Dedicated kay PUHPLEEE.
Please read her story entitled GIVE UP? (with question mark po talaga yan hehe.) Thank you! :*
-----------------------------------[Abigail's POV]
"Saan mo ako balak dalhin?"
Hindi ko pa rin maintindihan ang mga nangyayari. Hinigit na lang kasi ako bigla ni Lance papasok sa Mall. Hindi ko rin alam kung paano niya nalamang nandito ako. Laking pagtataka ko pa e hindi niya lang ako pinapansin at patuloy pa rin siya sa paglalakad.
"May gusto lang akong puntahan sana kasama ka." Mas lalo akong nagulat sa sinabi niya.
Gusto niya kong isama sa pupuntahan niya? At saan naman? Baka naman ipapapatay na niya ako? Ipapakidnapped? Imemurder?! HUHUHU. Lance, mahal ko pa buhay ko. Kailangan ko pa makapagcollege at makapagtrabaho pagkatapos.
"P-pero kailangan ko na umuwi." Napatigil siya bigla nang sabihin ko yun. Nandito na kaya kami?
"Ah g-ganun ba, s-sorry naistorbo pa ata kita..." Sabi niya. Halata mong nalungkot siya dahil matamlay lang ang pagkakasabi niya nun. Bigla tuloy akong nakonsensya nang makita ang ekspresyon niya.
Ugh, ako na talaga! Ako na ang may full of conscience!
"Sorry Lance. P-pero sige may time pa naman e. Saan mo ba ako balak isama?" Parang nabuhayan siya nang sabihin ko yun.
"Wait and see." Sabi niya sabay hatak nanaman sa'kin. Hanggang kailan ba niya ako balak hatakin? Bawal na ba maglakad nang matiwasay? Nahihirapan na kaya ako sa pagbubuhat ng mga plastic bags dito na puno ng groceries.
--
"Ah so dito pala?" Pagtatanong ko kay Lance. Tumango tango naman siya as a sign na dito na nga niya kami gustong pumunta.
"E-eh bakit dito? Anong kailangan mong gawin dito?" Takang takang tanong ko sa kaniya. Ang gulo niya kasi e! Bakit ba isinama niya ko dito?
Hindi ko alam kung matatawa ba ako pero "HAHAHAHAHAHAHA! XD" Hindi ko na talaga mapigilan.
Halata namang nagtaka siya nang tumawa ako. "B-bakit? Ano meron?" Tanong niya sa'kin.
"E kasi naman Lance! Akala ko kung saang lugar mo na ako dadalhin. E dito mo lang pala ako gustong pumunta!" Sabi ko sabay palo sa braso niya ng pabiro.
"H-hehe, pasensya ka na ha. Natakot pa ata kita. Gusto ko lang sanang papiliin ka kung anong gusto mong stuffed toy, may pagbibigyan kasi ako e." Sabi niya habang nakahawak pa sa batok niya. Halatang nahihiya siya habang sinasabi sa'kin ang mga yun.
"Sus! Yun lang ba? Sige pipili na ako."
Oo, dito nga niya ako dinala sa bilihan ng mga stuffed toys. Sabi niya may pagbibilhan daw siya. Hindi ko naman na tinanong kung para kanino kasi baka sabihin niya napakapakilamera ko e hindi naman kami ganung kaclose, na as in close.
Pansin ko lang ha. Ako na lang ata laging sinasampol ng mga 'to pagdating sa mga pagbibigyan nila? Kanina si Jeffrey, ngayon naman si Lance. E kung sana ako talaga yung pagbibiyan nila e matutuwa pa ako. De joke lang. Assumera talaga ang role ko dito e."Ito." Sabi ko sabay kuha sa natipuhan kong stuffed toy. Ang cute cute kasi e! Baboy siya na kulay pink tas may hawak na tae ata yun o putik? Tapos may nakasulat na "I don't like it when I'm hungry."
"Gusto mo yan?" Tanong sa'kin ni Lance habang nakangiti.
"A-ako gusto ko. Pero hindi ko na lang alam sa pagbibigyan mo kung magugustuhan niya rin. Malay mo hindi niya gusto yung mga tipo ko." Pageexplain ko pa. E kasi naman e kung pangsosyalan ang gusto nung pagbibigyan niya, aayawan talaga niya yung napili ko. Ang weirdo ko kaya pagdating sa mga ganito, gusto ko lang piliin e yung makakapagpasaya sa'kin.
BINABASA MO ANG
Unfortunately, Everything Has Changed [ON GOING]
HumorWe all want our favorite character to be the star of the story , right? What if suddenly, everything has changed? Magpapatuloy ka pa bang suportahan siya? Maybe the true question is papayag ka ba? Let's see. -- by: Pizzalayne (TheDespicableGirl)