[Abigail's POV]
"S-Sinong nand'yan?!"
Sa totoo lang hindi ko alam kung tao ba 'tong kinakausap ko o multo. Jusmiyo marimar! Bakit ba kasi kailangan pang dito sa abandoned building na 'to ako nagdrama e.
"K-kung sino ka man magpakita ka na. Kung ayaw mong masaktan!" Sabi ko habang nanginginig. Pinagpapawisan na rin ako ng todo dahil sa sitwasyon ko. Hindi Gail, kailangan mong magpakatatag! Hindi pa huli ang laban ng buhay mo. Multong lang yan! MULTO LANG.
Matapang kong pinuntahan kung saan yung narinig kong ingay kanina. Ramdam ko rin naman ang pabilis ng pabilis at palakas ng palakas na tibok ng puso ko. Naririnig kaya 'to ng multo?
Napahinto ako bigla nang may narinig ako. Kung hindi ako nagkakamali e halakhak yun.
What the fudge. Tumatawa na ba ang mga multo ngayon?
Naglakad pa rin ako palapit doon pero this time mas lalong lumalakas ang tawa nito.
Namatay bang baliw 'tong multo na 'to kaya kahit patay na siya e baliw pa rin?
Hindi pa rin ako nagpatinag sa tawa na yun. Mas lalo lang akong lumapit. Pero napahinto ako nang bigla akong may nakitang nakatalikod na tao. Nakatalikod siya at nakapwesto siya ng nakayuko. Naiimagine niyo ba?
Nakaramdam ako ng matinding takot. Feeling ko anytime mahihimatay ako dahil sa nakikita ko. Tumatawa patalikod sa'kin yung multo.
Hindi ko alam kung saan pa ako humuhugot ng lakas para lumapit dito. Lumapit ako ng lumapit. Palapit ng palapit hanggang nasa harap ko na siya.
Bigla naman itong nahinto sa pagtawa. Hahawakan ko pa lang sana ang braso niya para makita ang mukha niya nang biglang...
"PIKABOO!"
"UWAAAAAAAAAA!!! MAMA KO!" Napatakbo ako bigla nang gulatin ako ng multo na yun. Hindi ko alam pero naiiyak na ako sa takot. HUHUHU.
"Someone please help me!!" Sigaw ko habang nakatakip ang dalawang kamay ko sa mga mata ko.
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!"
"HUHUHU. Tumatawa yung multo! Tulungan niyo ako please!" Nang sabihin ko yun, mas lalo lang lumakas ang tawa niya.
"Pambihirang patis! Lumalakas yung tawa niya. Takot na takot na ako tama na po. Wala naman po akong ginawang masama sa building niyo. HUHUHU. Mahal ko pa po ang buhay ko." Sabi ko habang humahagulgol pa rin.
"BWAHAHAHAHAHA! NAKAKATAWA KA!" Bigla akong nahinto sa pagiyak nang biglang nagsalita siya. Unti-unti kong itinaas ang mukha ko para makita ito.
Namilog ang mata ko dahil bwiset lang! Pinagtritripan ba talaga ko nito?!
"J-JEFFREY?!" Mula sa pagiyak, naging galit ang nararamdaman ko ngayon. Galit na galit! Mas galit pa kaysa kay Anger sa Inside Out!
"HAHAHAHAHAHAHAHA! KUNG NAKITA MO LANG YUNG MUKHA MO. HAHAHA!" Sabi pa niya habang nakahawak sa tiyan niya.
"PAPATAYIN KITA ZOMBIEEEEEEEE!" Bago ko pa siya maabutan e kumaripas na siya ng takbo. Pero hindi pa rin ako tumigil dahil gustong gustong gusto ko talaga siya patayin as in ngayon na!
"CHACHOPCHOP-IN TALAGA KITA!!! MAGIGING MULTO KA NA TALAGA THIS TIME!" Feeling ko bumubulusok sa galit ang buo kong pagkatao.
Malapit ko na siyang maabutan! Mwahahaha! Malapit na, malapit naaaaaa..
"Aray!" Napahinto ako sa pagtakbo dahil huminto na rin sa pagtakbo si Jeffrey. Nagulat ako dahil takot na takot ang ekspresyon niya. Nilapitan ko siya agad at akmang pipingutin ang tainga niya nang biglang bumukas ng pagkalakas lakas ang pintuan ng isang kwarto.
BINABASA MO ANG
Unfortunately, Everything Has Changed [ON GOING]
HumorWe all want our favorite character to be the star of the story , right? What if suddenly, everything has changed? Magpapatuloy ka pa bang suportahan siya? Maybe the true question is papayag ka ba? Let's see. -- by: Pizzalayne (TheDespicableGirl)