Dedicated po ang chapter na 'to sa follower kong si Catherine Pepito.
Thank you for following me :**-----------------
[ Abigail's POV ]
Ang laki na talaga ng pinagbago ng tatlong 'to. Dati rati, ang tawag ko sa kanila Tres Malditas, ewan ko ba kung bakit ngayon ang bait-bait na nila sa'kin. Lagi na silang sumasabay sa'kin tuwing recess at lunch break. Tumatabi na rin sila palagi malapit sa upuan ko at nakikipagusap sa'kin. Ngayong panahon na laging wala si Shayne dahil nga sa praktis nila ng volleyball, itong tatlong 'to ang nakakasama ko. To be honest, I enjoy talking and being with them.
At tungkol dun sa mysterious notebook ni Jeffrey, naibalik ko na yun sa kaniya, kaso nga lang yung hindi niya nalalaman. Nilagay ko lang kasi yun sa armchair ng upuan niya. At may iniwan din akong sulat, ewan ko lang kung nakita niya na o hindi pa. Sinabi ko lang naman dun yung totoo. Napagisip-isip ko na property niya yun at private yun. Tama naman yung ginawa ko diba? Bawal galawin ang gamit ng iba ng walang paalam.
Sa una hindi ako makapaniwala na ang tulad niyang masungit at seryosong tao ay gumagawa ng tulad nung mysterious notebook na yun. Pero alam ko may deep reason behind it lalo na nung makita ko na ang unang name na nakasulat dun ay ang pangalan ng mama niya. Alalang-alala ko pa ang nakasulat dun.
Samantha Catherine Quezon (Mom)
1. Siya ang dahilan kung bakit ko ginagawa 'to.
(Author: Dahil dedicated to kay CatherinePepito, sinama ko na rin pangalan niya sa chapter na 'to. =D)
Nagtataka nga ako kung bakit yung lang ang nakasulat dun e. Mama niya yun pero yun lang ang alam niya tungkol sa mom niya? Ang weird lang.
"Abi! Lika na daliii!" Napaharap ako dun sa boses na tumawag sa'kin. Si Emerie pala. Abi ang tawag nilang tatlo sa'kin. Sa una 'di talaga ko sanay pero unti-unti parang nasasanay na 'ko.
Nandito kami ngayon sa Mall, nagyaya kasi sina Emerie magmall kasama kami ni Shayne. Actually, ako lang talaga yung ininvite nila na sumama sa kanila pero syempre gusto ko kasama si Shayne para naman malaman niya ang kabaitan nitong tatlong 'to sa'kin. Ayaw pa niya kasi talagang maniwalang nagbagong buhay na 'tong mga 'to e.
"So guys, anong order niyo?" Pagtatanong ni Nads.
Nandito kami ngayon sa Chowking. Umorder na kaming lahat. Si Shayne at Lory ang nagorder para sa'min.
"Abigail alam mo na ba yung about sa intrams?" -Emerie
"Ah, oo naman, sinabi na sa'kin ni Shayne ang tungkol dun." Sabi ko.
"Hindi ka ba mahilig sa sports?" Tanong ulit ni Emerie.
"Mahilig konti pero sa badminton lang. Hindi kasi ako marunong e. Wala rin akong hilig sa mga gan'yan." Sagot ko naman.
"Oh I see. Ako kasi mahilig ako sa volleyball, kaso nga lang.." Agad akong tumingin kay Shayne.
Nandito na pala sila, dala dala yung mga orders namin. Agad kong kinuha yung orders ko. Tumabi na rin si Shayne sa tabi ko.
"Kaso nga lang, siguro hindi talaga yun destiny sa'kin." Pagpapatuloy ni Emerie sa naudlot niyang sasabihin kanina sabay nagsmile.
"Sarap naman nito." Narinig kong sabi ni Shayne. Wala namang nagreact sa sinabi niya, siguro busy kaming lahat sa pagkain.
--
Pagtapos namin kumain, nagtingin-tingin kami kung saan pa kami pwede magpunta.
"Gail punta tayo dun!" Biglang hinigit ni Shayne yung kamay ko. Gusto niya kasing pumunta dun sa PinkBox para bumili raw kami ng ipit na parehas kami. Ang sweet nga niya e kasi ililibre daw niya ako.
Nagulat na lang ako nang biglang hinawakan ni Emerie ang kaliwa kong braso. "Abi, pwede ba samahan mo kami dun? Puhleaaase." Sabi niya with puppy eyes pa. Tinignan ko kung saan yun, sa isang bilihan din ng mga girl things katulad nung sa PinkBox.
Tumingin ako kay Shayne, tingin kay Emerie. Balik ulit ng tingin sa kanilang dalawa.
"Sige Gail, ayos lang sa'kin. Dun na lang tayo, parehas lang naman e." Napatango ako sa sinabi ni Shayne. Hay salamat, akala ko pipili pa ko kanina e. Ayoko namang may piliin kasi baka may magtampo sa kanila.
"Guys look at this, dali!!" Agad naman kaming nagpuntahan kay Emerie.
"Ang cute right?" Sabi niyahabang ipinapakita samin yung bestfriends bracelets. Maganda nga kaso nga lang apat yun eh. Kung silang tatlo lang magkakaibigan ang bibili, ayos lang, mas maganda pa.
"Lets buy it!!" Excited naman na sabi ni Lorrainne.
"Oo bilhin niyo na. Bagay sa inyo hehe." Alok ko pa sa kanila.
"Anong kami lang? Kasama ka dito syempre! You're part of our friendship syempre." -Nadine
"Ha? Pero apat lang yan e. Paano si Shayne?" Sabi ko habang nakaturo pa kay Shayne.
"Ooops. Shayne ayos lang ba kung kami muna ang magsuot ng ganito? Sa tingin ko kasi hindi ka mahilig sa mga bracelets eh. I never saw you wear bracelets before. So ayos lang ba sayo? At 'di ba, you play volleyball, sigurado ako hindi mo rin naman laging masusuot 'to if ever." Sabi naman ni Emerie habang nakangiti at pilit na sinasabi kay Shayne yun.
"A-ah. Oo naman ayos lang. Tama si Emerie." Sagot ni Shayne. Halata ko naman na parang nalungkot siya.
In the end, kami lang talagang apat ang nagsuot ng bestfriends bracelets except syempre kay Shayne. Sabi niya kasi ayaw niya daw mag bracelet. Sana naman ayaw niya talaga, ayaw ko kasing makaramdam siya ng pagiging out of place, parang ganun ba? Tsaka kilala ko si Shayne, kapag sinabi niyang ayaw niya, ayaw niya talaga.
Pero may naisip akong paraan para 'di na siya magtampo o kung ano pa man. Nagpaalam ako sa kanila saglit na may bibilhin lang ako bago kami tuluyang umuwi. Hindi na rin ako nagpasama sa kanila kasi baka pagod na sila sa pagi-stroll namin kanina.
Pagtapos ko gawin ang dapat ko gawin ay lumabas na kaming lahat sa mall para maghintay ng masasakyan pauwi.
Sabay-sabay na umuwi yung tatlo at kaming dalawa naman ni Shayne ang sabay.
"Uy Shayne!" Tawag ko sa kaniya kasi napansin kong 'di siya umiimik at nakatingin lang sa isang direksyon.
"Mukhang malalim ata ang iniisip mo d'yan? Share mo naman!" Sabi ko sa kaniya.
Ngumiti lang siya. "H-Hindi naman. Parang kasing nawala lang ako sa mood. Masama kasi yung pakiramdam ko. Nasobrahan ata ako ng kain kanina. Hehe."
"Ahh ganun ba." Kinuha ko na lang yung binili ko kanina na para sa'min ni Shayne. Actually, yun talaga yung ginawa ko kanina kaya ako lang magisa ang umalis.
Inabot ko 'to sa kaniya. "Ito oh, sana kahit papaano magustuhan mo." Sabi ko sabay kuha rin nung kapartner na necklace nito. Silver necklaces ito na may pendant na dalawang girl na kung pagsasamahin mo e magkahawak sila ng kamay. Ang cute nga e! Kaya yun yung binili ko para sa'min.
"Wala ka mang friendship bracelets na kasama sina Emerie, atleast meron tayong dalawa, necklace pa para lagi mong magagamit kahit nagv-volleyball ka pa!" Sabi ko while smiling widely.
Bigla naman akong niyakap ni Shayne. Mukhang natuwa ata siya sa ginawa kong pagbili nung friendship necklace namin.
"Thank you dito. Lagi ko 'tong susuotin promise." Sabi niya sabay suot din nito agad. Ganun din naman ako.
"Sorry kung ang tahimik ko kanina ah?" Napatingin naman ako sa kaniya nang sabihin niya yun.
"May iniisip lang kasi ako e."
"Ano naman yun?" Pagtataka kong tanong sa kaniya. Nakita kong nagbuntong hininga siya bago magsalita.
"Something fishy..."
-----------------------
Author: Next time na po ang part 2.
Vote muna, comment, and follow me any time you want. Thank you! =DD
BINABASA MO ANG
Unfortunately, Everything Has Changed [ON GOING]
HumorWe all want our favorite character to be the star of the story , right? What if suddenly, everything has changed? Magpapatuloy ka pa bang suportahan siya? Maybe the true question is papayag ka ba? Let's see. -- by: Pizzalayne (TheDespicableGirl)