Chapter 3: The Tres Malditas

340 14 7
                                    

This chapter is dedicated to mynameisleigh :D
Thanks for following me! =)

--------------------------------

[ Abigail's POV ]

Maraming araw na rin ang lumipas. Today is Friday at P.E. namin. At tuwing araw ng Biyernes, lahat ng students ay required na magsuot ng pang P.E. uniform na ibinigay ng school. White Shirt siya tapos may nakasulat na something at saka blue pants ang itsura ng P.E. uniform namin. 

Actually, bagay nga 'to sakin eh, o feeling ko lang talaga yun? Nakaponytail ako ngayon, nakalaylay yung bangs at as usual, may salamin.

"Okay class, are you ready for your volleyball lesson? Para naman mapili na natin ang mga ilalaban natin para sa District Meet habang maaga pa." Sabi ng P.E. teacher namin na si Mrs. Domingo.

Kahit na ayaw kong mag-volleyball, lahat daw kailangang maki-cooperate dahil kasama 'to sa pag-ge-grade samin, kaya naman no choice na ako kung hindi sumama na lang.

Pagkatapos ituro kung paano laruin ang sport na 'to at kung ano ang mga rules and regulations nito, pumili na si Ma'am Domingo ng first six players, each team, na maglalaro. The other team SP Hotdogs Spikers (ang bet team ko) at ang SP Egg Blockers  (ang team ng mga maldita). Hindi ko alam kung bakit ko sila natawag na maldita, siguro dahil halata naman sa mga mukha at tindig nila.

Habang naglalaro sila, kitang-kita ko sa kanila ang determinasyon nilang manalo.

"Wooooh!! Go Shayne! GO! GO! GO!" Sigaw ko habang nanunuod ng laban nila.

Ang galing talaga nung idol ko na belong dun sa bet team ko. Si Shayne Montes. Famous siya dito sa buong campus since nag-aral siya dito. At every year, lagi siyang kasama sa mga inilalaban sa intrams. Astig niya 'di ba? Hindi siya pumapalya. Lagi pa siya ang napipiling captain ball ng team nila.

Maya-maya lang ay nag-declare ng break time yung teacher namin. Grabe! Pagod na pagod at pawis na pawis -- sila. Syempre! Hindi naman ako naglaro eh. Alam niyo naman, gustong-gusto nila ako isali kanina pero ayaw ko pa dahil masyado pang mainit. Pero syempre joke lang yun, nakanga-nga lang naman ako habang pinapanuod silang naglalaro. 

Dahil naiihi na ko. Napagdesisyunan ko ng pumunta sa girl's bathroom. Habang nasa loob ng isang cubicle, may narinig akong usapan na familar ang mga boses. 

"Haaaaay, Bwisit Sis! Nakita mo kung paano tayo tinalo nung Shayne na yun? Ang kapal talaga ng mukha niya. Feeler masyado!" Inis na inis na sabi nung isang babae na parang gigil na gigil.

"Don't worry sis. May game 2 pa. And you know me right? Ako pa ba, hahayaan ko lang ba tayong matalo?" Sabi naman nung isang super familiar ang boses.

"What?"

Nagbulungan lang sila magdamag at syempre lahat ng yun ay rinig na rinig ko. 

"You're so brilliant Sis!"

"Ang talino mo talaga Sis, ikaw na!" Sabi pa nung isang babae at narinig kong nagapir pa sila.

"I know right!" Pagmamayabang na sabi naman nung isa.

Maya-maya ay umalis na sila ng C.R at nakalabas na rin ako sa wakas. Nakakayamot kayang maghintay na lumabas sila!

Teka, ano raw? Sasaktan nila si Shayne? No way, hindi pwede! Kailangan ko 'tong mai-report agad sa kaniya bago pa magsimula ang game 2. 

Agad na akong kumaripas ng takbo papunta sa field para hanapin si Shayne. Tingin-tingin sa paligid baka mahalata na magsusumbong. Tingin sa right, tingin sa left... Clear! Walang tumitingin.

Ayuuuuun! Sabi ko nang makita ko si Shayne habang nakaturo pa sa kaniya. Pumunta agad ako para kausapin siya, pero bakit parang bigla kong nakaramdam ng hiya?

Paano kapag hindi niya ko pinaniwalaan? Paano kapag nagkamali lang ako ng dinig? Eh paano naman kung totoo?! Hindi, hindi, Shayne yung name na narinig ko kanina, kaya yun yon! Kailangan ko 'tong masabi sa kaniya.

"Ah-eh S-Shayne." Sabi ko sa kaniya habang nauutal-utal pa.

"Hmmm, yess?" Sabi niya habang nakasmile. Ang ganda talaga ng smile niya, akala mo Diyosa 'tong kinakausap ko.

"Hmm. Ano po kasi . Ano, ahm .. " Paano ko ba 'to sasabihin?

"Ano yun?" Tanong niya ng may halong pagtataka.

"Mag-iingat kayo sa game 2, kasi ma- "

Napahinto ako sa pagsasalita dahil sa paga-announce ni Mrs. Domingo magi-start na raw ang game 2.

"Oo naman, I will. Thanks for the concern." Ngumiti siya sa'kin at yun tumakbo na siya papunta sa field.

Tsss. Epic fail! Umupo na lang ako sa mga bleachers ng field para panuorin ang game 2.

KAHIT KELAN KA TALAGA GAIL. ESTUPIDYANTE! 

Agad-agad namang nagsimula ang game 2. Panunuoring ko na lang ba siyang mainjury? Haaaaay. Bakit kasi ang bagal kong magsalita eh. May pahiya-hiya keme pa kasi ako, kelan lang ba 'ko nagkaroon ng hiya? Yan tuloy, kasalan ko 'to kapag nagkataon ngang itutuloy nung tatlo na yun yung masamang plano nila. Aaargh!!

Nung nahahalata ko nang laging tumatama yung bola sa left leg ni Shayne, agad-agad akong tumakbo dun sa field ng walang alinlangan. Ito ang tama, ito ang dapat kong gawin.

*BOOGSH

Bigla ko na lang naramdaman na tumama sa'kin yung bola ng volleyball. Nakita ko na lang na maraming estudyante and lumalapit sa'kin at yung iba, pinapaypayan ako, yung iba naman sumisigaw na at sinasabing kumuha raw ng tubig. Maya-maya hindi ko na alam ang nangyari at hinimatay na 'ko dahil sa sobrang lakas ng tama sakin nung bola.

--

Ang bango naman nun. Ano ba 'tong naamoy ko? Parang noodles ata yun ha. Wow, amoy pa lang ang sarap-sarap na.

Minulat ko na yung mga mata ko. Nagulat naman ako dahil nasa ibang destinasyon na pala ako. Nung matauhan na ko, nalaman kong nasa clinic pala ako. Dinala raw ako ng isang lalaki dito na kasama si Ma'am Domingo, sabi sa'kin nung nurse. At yung naamoy kong noodles kanina ay kinakain pala ng isang pang nurse dito. Akala ko pa naman para sa'kin. Nakakadisappoint lang!

Bigla namang bumukas yung pintuan ng clinic at iniluwal nito si Ma'am Domingo. Nagulat naman ako dahil bigla akong sinugod ni Ma'am, halata mo sa mukha niya ang pag-aalala.

"Mabuti naman at ayos ka na. " Sabi ni Ma'am sabay ngiti.

"H-hehe. Opo, medyo masakit lang po itong ulo ko dahil naalog." Bigla namang binigay ni Ma'am sa'kin yung reading glasses ko. Nasa kaniya pala, akala ko kung saan na naitapon eh.

"Ito oh, pasensya na ha. K-kasi nasira eh, nabasag siya nung tamaan ka nung bola sa ulo." Nigla namang naging malungkot yung expression ni Ma'am. Nalungkot din ako dahil yun pa naman yung binigay sa'kin ni Papa nung pupunta na siyang abroad. Pinakaiingatan ko pa naman 'to tapos masisira lang. 

Nagpaalam na ako agad sa nurse at kay Ma'am Domingo na gusto ko ng umuwi. Pinayagan naman nila agad ako para raw makapagpahinga ako agad. Humingi na rin ng pasensya si Ma'am sa'kin dahil sa nangyari. Humingi rin ako ng pasensya sa kaniya dahil nga sa umextra ako dun sa laro nila, yan tuloy natamaan ako sa mukha. Ang alam ko kasi, dun sa paraan na yun, maliligtas ko si Shayne. 

W-wait! Speaking of Shayne, ano kayang nangyari sa kaniya? Tinuloy kaya yung laro nila? Nainjury kaya siya? Nakuuuu, sana hindi naman.

Lumabas na 'ko ng Clinic. Nakaramdam ako ng kaunting pagkahilo. Parang umiikot yung mundo ko sa bawat hakbang ko. Feeling ko tuloy anytime, anywhere, matutumba nanaman ako. Ang sama ata ng tama sakin nung bolang yun ha. Kawawa naman 'tong great mind ko. Wow Gail, great ba talaga?

Habang naglalakad ako, may narinig akong nagsalita.

"Wag mong pilitin kung hindi mo pa talaga kaya." Pero dahil sa napakaewan ng utak ko ngayon, hindi ko lang siya pinansin at nagpatuloy pa rin sa paglalakad at umuwi na ng tuluyan.

--------------------------------------------------

Author: Picture po ng Tres Malditas yung nasa taas, just so you know. =)) 

Unfortunately, Everything Has Changed [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon