Chapter 23: New Student

253 9 9
                                    

This chapter is dedicated to Akoooosierika.
Maraming salamat sa pagbabasa ng story ko! :)

Picture po ni Sabrina Wilson and Vincent Cruz sa side.

Anyways, ito na po ang chapter 23!! :D Happy 1k+ READS :)) MARAMING SALAMAT TALAGA ! *mwah
-------------------------------

[ Abigail's POV ]

"Ang boring naman. Bakit kaya late si Sir Gonzales?" Sabi ko sa isip ko habang nakapalumbaba dito.

Idagdag mo pa yung boring kong katabi. Nakapasalpak nanaman kasi yung earphones niya sa tainga niya e. Kamusta na kaya yung eardrums niya? 

Dahil wala pa naman si Sir, ginaya ko na lang itong katabi ko sa panginginig ng musics. Hindi naman sa gaya-gaya ako. It's one of my hobbies din lang talaga.

Kinuha ko yung earphone ko sa bag ko at isinalpak ito sa cellphone ko.

You're insecure,
Don't know what for
You're turning heads when you walk through the door
Don't need make-up
To cover up
Being the way that you are is enough.

Sakto 'to sa pagkaboring ko para naman magkaenergy ako. Mukha na kasi akong lantay na sitaw kanina pa e. Hindi kasi ako nagumagahan kanina. Hindi pa ako nakakapag-grocery nung isang araw.

Kailan kaya may darating na biyaya? Naalala ko tuloy bigla yung binigay sa'king sobre ni Shayne dati na pinabigay daw kay Mang Erning ng kung sinong tao na hindi ko kilala. Hanggang ngayon kasi hindi pa rin ako makapaniwala. Ang laman kasi ng ng sobre na yun e pera. Hindi ko alam kung paano nangyaring para sa akin yun.

Ano yun biyayang hulog sa langit? Napakaswerte ko naman pala kahit papaano.

Ipinatong ko yung ulo ko sa ibabaw ng desk ko, so ang pwesto ko ngayon ay nakaharap ang mukha ko sa armchair ko, face to face kami. Tinakpan ko yung side face ko gamit ang mga braso ko at ipinikit ko yung mga mata ko habang nagha-humming sa tugtog ng kanta. 

Maya-maya lang, naramdaman kong may kumalabit sa'kin. 

Sino naman kaya 'to? Siguro si zombie nanaman? Mahilig siya mangalabit e. Tinabig ko lang ang kamay niya at patuloy na pumikit.

Maya-maya may kumalabit nanaman.

"Ano ba?!" Agad ko namang itinaas yung ulo ko at laking gulat ko nang si Sir Gonzales pala ito.

Taranta kong tinanggal yung earphones ko sa tainga ko at isinuksok ito sa bulsa ng palda ko at agad-agad na tumayo.

"S-sir.." Nandito na pala siya. 

"Ms. Lacson please concentrate sa klase natin at hindi d'yan sa kung anu-anong bagay." Seryosong sabi ni Sir sa'kin tapos lumakad na siya sa harapan. 

Narinig kong may natatawa sa gilid ko. Tinignan ko siya ng masama. Sino pa ba? E di si zombie.

Buti na lang hindi ako pinagalitan ni Sir dahil sa pagsigaw ko sa kaniya. Hindi ko naman sinasadya yun e, pramis.

W-wait. May new student? Ngayon ko lang sya nakita e. Kaya siguro natagalan si Sir sa pagpasok kasi inasikaso pa niya yung bagong estudyante.

"You may now sit Ms. Lacson." Sinunod ko naman ang sinabi ni Sir. Agad kong kinurot ang singit este ang braso ni  nung makaupo na 'ko. Hindi naman siya nakabawi agad kasi biglang nagsalita na ulit si Sir. Binelatan ko siya. Ha! Kala niya ha.

"Okay class, this is your new classmate. Her name is Sabrina Wilson." Pagiintroduce ni Sir dun sa new student.

Isa lang ang masasabi ko, ang ganda niya. Mukha syang artista, ang puti-puti niya parang kasing puti ko lang. Charot! Yung mukha niya parang pang-foreigner. Nakaeyeglasses siya at naka-earing ng pagkalaki-laki. Pwede ba yan sa school na 'to? Nakaschool-uniform na rin siya. All in all, ang ganda niya talaga.

Unfortunately, Everything Has Changed [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon