Chapter 2
Late nang nakauwi si Trisha kagabi galing sa Same Place. Hindi siya lasing pero ineexpect niya na mahimbing siyang makakatulog dahil uminom siya ng wine pero hindi siya makatulog nang maayos kaya maagang bumangon si Trisha sa kama.
Pumunta siya ng banyo para maghilamos at maligo. Napatingin siya sa salamin at dumapo ang mga mata niya sa kaniyang labi. Inis na inis niyang kinuha ang facial towel at nilagay ito sa mukha niya para sumigaw. "AAHHH!"
Hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari kagabi. Hinalikan siya ng taong hindi niya kilala! Hindi rin siya makapagsumbong sa pulis dahil malalaman ng ibang tao na nagpupunta siya sa bar. Naiinis siya, iniisip niya na napagsamantalahan siya. Kung sa movie, nakakakilig ang ganung pangyayari, pwes sa totoong buhay ay hindi! Gusto niyang umiyak, maglupasay, gusto niyang bugbugin yung lalaking iyon! Sa oras na 'yon ay may pumasok sa isip niya.
Pagkatapos niyang maligo at magbihis ay tinawagan niya si Cathy, Frances, at Megan para ikwento ang nangyari kagabi. Hindi niya kasi agad naikwento sa mga kaibigan ang nangyari dahil gulat na gulat siya at hindi siya makapag-isip ng tama. Lalo na at may unang kaguluhan na ang nangyari dahil kay Betzy, na pati iyon ay kasama sa iniisip niya.
"Do you want to go there later? Sasamahan ka namin." Sabi ni Megan at sumang-ayon naman ang dalawa na ikinagaan ng puso ni Trisha.
"Check din natin yung cctv para makita namin yung itsura ng bastos na yon." Sabi ni Cathy.
"I will tell my brother to come para makita din niya. Madalas si Francis dun, baka makilala niya yung lalaking bumastos sayo at para makilala niya din agad kung sinong bubugbugin nila ng friends niya, malay natin baka andun din yung target natin mamaya edi' atleast we saved time, and the revenge tastes sweeter when you witness it yourself. Sayang man na hindi tatlo ang bubugbog sa kaniya kung andun siya mamaya, but Francis will not disappoint you even if he's alone. No joke but his fighting skills can beat upto ten people." Proud na proud na sabi ni Frances tungkol sa kaniyang kambal na si Francis.
"Alright, alright, you boast too much. Oa na." Natatawang sabi ni Megan kaya natawa din sila Cathy at Trisha.
"Anyway, I want to apologize to you Trish. I did expect for something like that to happen to you. Why does it have to be at that moment where there's no security or janitor on that area. It's my fault for not attentively keeping the security tight of Same Place which makes my establishment not safe for everyone. I will have to improve my management to be more better so that this will not happen again to anyone. As my punishment, I will treat you to my bar a very delicious and special meal that will make you forget your worries as you taste it with a very expensive wine. It will make you feel as if you met your first love the first time." Mahabang litanya ni Cathy. She sincerely apologized for what happened kahit hindi niya naman ito kagustuhang mangyari ay natouch pa rin si Trisha.
"You don't have to apologize Ms. Catherine Remi De Llama, alam ko namang hindi maiiwasan ang ganung pangyayari kahit saang lugar. It's just that I was shocked, and didn't want to cause another trouble and call for police. Alam niyo naman kung bakit, I don't want to disappoint my parents. I'm already grateful as you are a very responsible establishment owner and a great friend." Trisha said.
"Kami din ba ni Megan kasama sa treat mo Cathy?" Biglang tanong ni Frances kaya naputol ang emotional talk ng dalawa. Nagtawanan silang lahat sa linya.
—
HIGH UNIVERSITYVacant time ni Trish at nagugutom na siya kaya napagdesisyunan niyang kumain. Ngayon siya inaatake ng antok pero kailangan niyang kumain dahil hindi siya makapag focus sa lesson kapag gutom siya.

BINABASA MO ANG
I Will Make You Mine <EDITING>
RomanceA typical story between over confident and not into commitment boy that meets a typical masungit na image conscious na girl. A typical story that started from hatred to friendships to unrequited love. How love can make you want to have the person wh...