"Hey dude, guess what?" Bungad ni Francis sa kabilang linya ng telepono nang sagutin ni Vince ang tawag niya. Pinindot ni Vince ang loud speaker ng cellphone para marinig niya si Francis at nilagay ito sa mesa na nasa harap niya at pinagpatuloy ang paglalaro niya ng xbox.
"What?"
"News flash!"
"Just spill it, Francis."
"Atat masyado. I already know where's Vino --"
"Where is he?" Agad na tinigil ni Vince ang paglalaro pagkarinig na pagkarinig niya pa lang ng pangalan ng walang hiya niyang kuya.
Pagkakuha ni Vince ng address kung saan tumutuloy ngayon ang kuya niya ay agad siyang nagbihis at bumaba ng condo papunta sa parking lot para kunin ang sasakyan niya at pagkatapos ay mabilis na pinaandar ito.
You're dead meat. Napangisi si Vince. Hindi na makakatakas sa kanya ang kuya niya. Ginamit nanaman nito ang pangalan niya sa hotel na pansamantalang tinutuluyan nito.
Pagdating ni Vince sa hotel ay pumasok siya sa lobby at pumunta sa front desk para magtanong.
"Excuse me, miss. Can you give me the room number of..." Napakamot muna siya sa batok. "...Vince Millano? It's kinda' important."
Halata sa mukha ng babaeng empleyado ang pag-aalangan nito. Napakamot muna ito sa ulo niya bago nagsabi na bawal daw nilang sabihin ang information about sa guests ng hotel unless nag-iwan ang mga ito ng notice about sa mga darating nitong bisita.
"Pero pwede po namin siyang tawagan sir. Ano pong pangalan niyo?"
"I-it's..." hindi alam ni Vince kung anong pangalan ang sasabihin niya. Hindi pwedeng Vince Millano dahil nga ang pangalan niya ang ginamit ng kuya niya sa pagtira sa hotel na 'to. Damn.
"It's Vino Millano, his brother." Kinindatan ni Vince ang babae at halata ang pamumula ng pisngi nito.
Sinubukan ng babae na tawagan ang room ni Vino pero walang sumasagot. Ilang beses pa nilang inulit na tawagan ang telepono sa kwarto pero wala pa ring sumasagot. Sa inis ni Vince ay siya na mismo ang tumawag sa cellphone niya.
BINABASA MO ANG
I Will Make You Mine <EDITING>
RomanceA typical story between over confident and not into commitment boy that meets a typical masungit na image conscious na girl. A typical story that started from hatred to friendships to unrequited love. How love can make you want to have the person wh...