Dean Herrera po sa picture ^_^
XXXXXXXX
Kaka-park lang ni Trisha ng sasakyan sa parking lot ng hospital nang nagsalita si Vince.
"Wag' mo na ko ihatid sa loob." Sabi nito at agad na bumaba ng sasakyan. Pipilay-pilay pa ito maglakad habang nakahawak sa sikmura niyang sobra sa sakit.Damn kuya!
Nanggigigil siya sa inis sa kuya niya. Bakit? Ginamit nanaman kasi nito ang pangalan niya para umutang ng pera sa mga loan sharks. Panggamit sa mga luho nito at sa mga babaeng halos araw-araw nainuuwi sa condo unit nito. At sa tuwing hindi ito nakakabayad, si Vince ang hinahanap at sapilitang sinisingil at binubugbog dahil nga ang pangalan niya ang ibinigay ng kuya niya sa mga ito. Lagi kasing pangalan ni Vince ang ginagamit ng kuya niya sa anumang transaksyon na gagawin nito – mapababae, sa pangungutang, mga binibiling sasakyan, at kahit mismo ang tinitirhang unit nito ay sa kanya din nakapangalan! Kung hindi lang siya naaawa sa kuya niya malamang ay matagal niya nang hinayaan itong magpalaboy-laboy sa lansangan. Tinanggalan kasi ng mana ito ng mga magulang nila, pinalayas na walang dala na kahit na anong gamit, dahil sa sobrang katigasan ng ulo at pagging suwail nito. Napabuntong hininga na lang si Vince at inisip na siya ang bubugbog sa kuya niya kapag nakita niya ito.
Hindi tuloy siya nakakain ng breakfast. Tsk tsk.
Napansin ni Vince si Trisha na inis na inis na sinusundan siya papasok ng ospital. Nasa entrance pa lang siya nang narinig niya ang tawag nito sa kanya.
"Hoy pervert!" Hindi niya ito pinansin. Nagulat na lang siya nang biglang siyang hinampas nito sa braso. Yung pasa niya! Napasigaw siya sa sakit dahil sa lakas ng pagkakahampas nito sa kanya. Tinignan niya ito ng matalas saka hinila sa gilid. Nakaharang kasi sila sa entrance ng ospital.
"What's your problem?!" Iritadong tanong ni Vince kay Trisha.
"Diba' dapat ako ang nagtatanong sayo niyan? What's YOUR problem?" Mataray na tanong ni Trisha. "Hindi naman sa humihingi ako ng malaking kapalit, pero tinulungan kita tapos naging stupid ako? You didn't even thank me!" bulyaw sa kanya nito at pinagpatong ang dalawang kamay sa baba ng kanyang dibdib.
"Fine. I'm sorry for calling you stupid. It's just that, I didn't expect you to help me that way." Suko naman ni Vince. Sa paraan kasi ng pagtulong sa kanya kanina ni Trisha, halata niyang nagpapanggap lang itong matapang ngunit nahahalata niyang natatakot ito kaya kung anu-ano na lang ang isinasagot sa mga nambugbog sa kanya. At kahit na sa hinagap niya, hindi niya inaasahan na sa dami ng taong pwedeng tumulong sa kanya, si Trisha pa talaga, Ang retard na nakilala niya sa bar. "And thank you for helping me." Dugtong niya habang nakatingin kay Trisha.
Si Trisha naman nakatingin lang din kay Vince at hindi alam ang sasabihin. "Okay na ba? Pwede na ba ko magpagamot sa loob?" Sarkastikong tanong sa kanya ni Vince. Na-alala naman ni Trisha na medyo madami nga palang sugat at pasa si Vince sa katawan.
"Samahan na kita. Let's go." Mauuna na sana sa loob si Trisha nang hilain siya ni Vince. "Aray~ Ano ba?"
"Hindi ka pwedeng pumasok sa loob. Just... just go home." Pagod na pagod na sabi ni Vince. Nakita niya naman ang pagtataka sa mukha ni Trisha bago ito magsalita.
"Hoy pervs, sayo ba tong ospital? Sinong nagsabing bawal ako pumasok?" Medyo naiinis nanamang tanong ni Trisha.
"Retard, ayoko nang maguilty ulit ng ilang araw, pwede ba? Nagtanda na ko nung sinigawan mo ko. Kaya ko na ang sarili ko pagpasok ko ng ospital, pero ikaw, hindi mo kaya. Kung gusto mong marinig ulit yung thank you ko, again, thank you." Sabi nito sa kanya at tuloy-tuloy na pumasok sa ospital.

BINABASA MO ANG
I Will Make You Mine <EDITING>
RomanceA typical story between over confident and not into commitment boy that meets a typical masungit na image conscious na girl. A typical story that started from hatred to friendships to unrequited love. How love can make you want to have the person wh...