[a/n: Good day readers! (Kung meron xD) Try ko pong third person ang POV na gamitin. Enjoy reading ^^]
----------------------------
"Hey dude, okay ka lang?" Napatingin si Vince kay Dean na kadadating lang sa tambayan nila – sa bahay nila Francis, specifically, sa kwarto nito. Hindi sinagot ni Vince ang tanong ni Dean at ibinalik ang tingin nito sa kawalan.
"Huy, anong problema nun?" tanong ni Dean kay Francis na naglalaro ng Xbox.
"Hindi ko alam dyan. Kanina pa yan ganyan pagdating niya dito. Punyemas yang hayup na yan, parang walang naririnig kapag tinatanong ko eh." Naiinis na reklamo ni Francis kay Dean, "Putcha natalo ako!" Sigaw nito nang makitang nabaril siya sa laro.
Si Dean naman, biglang na-alala yung nangyari last Saturday at ikinwento kay Francis. Naririnig ni Vince ang pagkwe-kwentong ginagawa ni Dean pero wala pa rin siyang paki-alam. Siguro kung nasa katinuan siya, kanina niya pa nabatukan ang kaibigan dahil sa kadaldalan nito. Pero dahil sa lutang ang isip niya, hindi niya magawa. Nakadapa lang ito sa sofa at nakatingin sa kung saan.
"Fuck! Vince, totoo?" Hindi makapaniwalang tanong nito sa kanya. Tumingin naman si Vince kay Francis at tumango siya pagkatapos ay ibinalik ang pagkakapatong ng baba nito sa unan.
Totoo naman kasi. Kung hindi sana niya ginawa yun, for Pete's sake he almost killed someone!
Hindi ko naman alam na magiging ganun yung pangyayari. Malay ko bang may trauma siya sa hospitals?
He shook his head. Hindi. Kahit na hindi ko alam, kasalanan ko pa rin kapag may nangyaring masama sa babaeng yun.
Pano niya nalaman na totoo nga yung sinabi nung babaeng yun? He personally went to the hospital and pleaded to check the CCTV. Nahirapan siya sa pagpilit na ipakita sa kanya yung CCTV pero napilit niya pa rin at doon niya nakita. Doon niya nakita lahat simula sa pag-alis niya, sa paghintay ng babaeng yun sa kanya, hanggang sa hinimatay ito. Hindi niya man naitanong kung anong sanhi ng pagkahimatay ni Trisha pero sa paraan ng pagiging hysterical nito na napanood niya, dun niya sinigurado na may trauma nga ito sa ospital.
Matapos niya mapanood yun, nanghina siya at doon siya nagsimulang ma-guilty, Naiinis siya sa sarili niya kung bakit ba naman kasi nagpaka-childish siya nung araw na yun. Gusto niyang humingi ng tawad kay Trisha pero kinakain siya ng pride niya. Ano ba ang dapat niyang gawin?
"Mag-sorry ka kay Trisha, Vince. That is what you should do." Nagulat si Vince sa pagsalita ni Francis. Narinig ba nito yung iniisip niya?
Sa matagalang pagpilit nila Dean at Francis sa kanya, pumayag din siya. Ito naman yung gusto niya na ding gawin diba'? Para mabawasan yung guilt na nararamdaman niya. Oo, bully siya pero hindi iyon umaabot sa puntong may malaking mawawala. May konsensya din naman siya. Kaya nagpakipot lang siya ng konti at pumayag na din.
"Where are they? Ang tagal naman." Reklamo ni Vince.
"OA mo dude. Wala pa ngang 10 minutes tayo naghihintay dito nagrereklamo ka agad. Sapakin kita dyan eh." Medyo inis na sabi ni Dean. Pano' ba naman kanina pa ito nagrereklamo sa sasakyan pa lang. Kesyo ang tagal daw mag-drive ni Francis at mainit. At ngayon naman ang tagal daw lumabas nila Frances, Kung hindi niya lang kilala ang kaibigan nila, sa malamang kasi ay kinakabahan ito dahil bibihira lang naman ito humingi ng tawad. Suntok sa buwan kung mag-sorry ito.
"Suntukan na lang oh'." Sagot ni Vince at lumapit kay Dean. Wala pa man siyang nagagawa ay binatukan na siya ni Francis na ikinagulat niya naman. Nagbibiro lang naman siya sa sinabi niya, aba't binatukan siya?
BINABASA MO ANG
I Will Make You Mine <EDITING>
RomansaA typical story between over confident and not into commitment boy that meets a typical masungit na image conscious na girl. A typical story that started from hatred to friendships to unrequited love. How love can make you want to have the person wh...