Chapter 1
"Ms. Trisha, ready na po ang sasakyan niyo sa labas."
"Okay, bababa na po ako. Thank you, Yaya Mel." sabi ni Trisha at matamis na nginitian ang matanda. Nginitian din siya nito at umalis. Sa lahat ng tao na nakatira sa bahay nila, si Yaya Mel lang ang kaya niyang ngitiang buo mula sa puso niya. Ito na kasi ang halos nagpalaki sa kaniya simula nung bata pa siya kaya parang nanay na din ang turing niya rito at ito lang din ang may malasakit sa kaniya.
Naglagay muna ng light make-up si Trisha bago ayusin at kunin ang gamit niya. Palabas na siya ng kwarto nang biglang tumunog ang kanyang cellphone at nabasa ang unregistered number dito. Sino kaya 'to? Nagdalawang isip muna siya bago sagutin ang tawag. "Hello?"
"TRISH!" Tuwang-tuwa na boses ang narinig ni Trisha sa kabilang linya.
Nanlaki ang mga mata niya nang mabosesan kung sino ang tumawag sa kaniya. "Oh my gosh! Megan?!"
"Yes, it's me! Huhu I miss you so much." Halos paiyak na sabi ni Megan.
"You're overreacting, as always," Natatawang sabi ni Trisha dahil halos araw-araw naman sila magvideo call na apat na magkakaibigan— Siya, Megan, Cathy at Frances. "Are you here in the Philippines? Kelan ka pa bumalik?"
"Last night lang. Daddy wants me to work in his company habang sem break kami sa US pero kahit hindi niya sabihing umuwi ako, I will still go back here for a vacation para makabonding ko kayo my best girls! Video call is not enough, I need to hang out with you! Lagi na lang akong wala pag may hang out kayong tatlo kaya gusto kong bumawi sa inyo. So... surprise surprise here I am na." Megan said then chuckled.
"Why didn't you call me last night para nasundo ka namin?" Nakangiting tanong ni Trisha habang bumababa ng hagdan. Ramdam niya nga ang pagka-miss ni Megan sa kanila. Pagkagraduate kasi nila ng highschool ay pinadala sa US ng mga magulang nito si Megan para doon mag-aral pero umuuwi uwi din naman ito kapag vacation at sem break doon.
"Alam ko namang busy at pagod kayong tatlo dahil kakatapos lang ng exam week nyo sa school that's why I don't want to bother you just to fetch me in the airport, I can manage. Hehe"
Pasakay na si Trisha sa kotse nang may sumulpot sa harapan niya. 'Ang pinakamamahal kong kapatid,' she thought sarcastically.
"Good morning, my DEAR SISTER." Bati sa kaniya nito na may sarkastikong ngiti.
"Good morning din, Ate Liza." Akmang hahalikan niya ito sa pisngi kaya napaatras ito at tinulak ang balikat niya palayo.
"Don't you dare! Kadiri." Liza said with a disgusted face.
"You're so silly, ate. Mas kadiri ka pa nga kaysa sa labi ko." Tumawa ng marahan si Trisha at pinagpagan ang balikat niyang nadampian ng kamay ni Liza.
Liza frowned and was about to say something pero di niya na ito pinansin pa at tumuloy na pumasok sa kotse. Wala siyang oras para makipag-away sa kapatid niya dahil malalate na siya sa klase. Trisha closed her door and started the engine.
"Whatever. Plastic btch." Inirap ni Liza ang kaniyang mata sa papalayong kotse ni Trisha bago siya bumalik sa loob ng kanilang bahay.
—
Sa kotse.
"Hello, Megan? Still there?" Tanong ni Trisha nang maalala niyang may kausap pa pala siya sa cellphone.
"Yeah. Wala pa ring bago sa inyong dalawa ni ate Liza, huh?" Tanong nito sa kaniya. Halatang sa boses nito ang pagod sa byahe.
"She's still the same. Insecure."
BINABASA MO ANG
I Will Make You Mine <EDITING>
RomanceA typical story between over confident and not into commitment boy that meets a typical masungit na image conscious na girl. A typical story that started from hatred to friendships to unrequited love. How love can make you want to have the person wh...