Papunta si Trisha sa mall para bilhin ang pinakahihintay niyang limited edition watch ng isang pinakasikat na brand ng mga relo na Ridama. Nung sinabi sa kanya ni Megan na dumating na sa Pilipinas yung matagal niya nang gustong bilhin na relo ay sobra siyang na-excite. Matagal niya kayang inabangan yun.
Nagmamadaling mag-park si Trisha ng kotse niya nang biglang may mabilis na sasakyan ang dumating at inagaw ang pwesto na pagpaparkan niya sana. Sa gulat ay bigla niyang na-preno yung sasakyan niya.
Ilang segundo din siyang natulala sa loob, at nang nabalik siya sa katinuan niya ay lumabas siya ng sasakyan niya para sugudin yung hayup na muntikan nang makabanggaan niya.
Galit na galit niyang hinampas yung window ng itim na sasakyan na nasa harap niya.
"HEY! ARE YOU OUT OF YOUR MIND?! LUMABAS KA DYAN ASSH0LE!" Pinagsisisipa ni Trisha yung gulong ng sasakyan.
Pag hindi ka pa lumabas sisirain ko yung side mirror mo. Try me, assh0le. Nanggigil si Trisha. Sobra siyang na-shock sa nangyari.
Hindi niya alam kung bakit galit na galit siya sa nangyari. Siguro ay dahil sa muntik nang masira ang unahan ng sasakyan niya. Mahalaga pa naman sa kanya iyon dahil bigay iyon sa kanya ng daddy niya.
Sa loob naman ng sasakyan ay may isang lalaking nakapikit at mahigpit ang hawak sa manibela.
Shit. Why of all people siya nanaman. Tsk. Nahampas niya ang manibela kaya tumunog ang busina nito.
Nakita niyang mas lalong nagalit si Trisha sa labas.
"May gana ka pang businahan ako? The heck! AREN'T YOU GOING TO GET OUT THERE? HARAPIN MO KO!" Patuloy ito sa pagsipa sa pintuan niya. Sa sobrang inis niya ay lumabas na din siya at tinignan ang pintuan niyang may maliit na yupi.
"Tsk. Kakapaayos ko lang nito kahapon eh." Bulong niya sa sarili niya.
"At dyan ka pa talaga mas nag-alala ha?" Susugudin na sana ni Trisha yung lalaki nang humarap ito sa kanya. "PERVERT?!" Nanlaki ang mata ni Trisha pero hindi rin nagtagal ay bumalik nanaman ang galit na nararamdaman niya kanina. No wonder, kung bakit mabilis uminit ang dugo niya ay dahil sa pervert na 'to. May radar na yata siya sa tuwing magkakalapit sila ni Vince.
"I'm sorry, nagmamadali kasi ako. May kailangan akong bilhin kaya hindi ko napansin na magpapark ka pala."
"Hoy! Ikaw lang ba ang nagmamadali HA? May kailangan din akong bilhin, hindi lang ikaw!" Pagkasabing pagkasabi ni Trisha nun ay na-alala niya yung bibilhin niya.
Oo nga pala! Kailangan niya nang magmadali baka maubusan pa siya. Bago siya pumasok sa sasakyan niya ay humarap siya kay Vince.
"We're not yet done, pervs." May himig na pagbababala ang boses ni Trisha.
Pagka-alis ni Trisha ay nag-make face naman si Vince at ginaya ang sinabi nito. "We're not yet done, pervs." He chuckled sarcastically. "Tss.. Retard."
Pumasok na din si Vince sa loob ng mall. May kailangan siyang bilhin. Ipangreregalo niya sana sa mommy niya. Uuwi kasi siya sa bahay nila para makita ang parents niya. Sana magustuhan 'yon ng mommy niya, favorite kasi nito ang brand na 'yon.
Pagpasok niya sa malaking branch na 'yon, hinanap niya kung saan 'yon nakalagay. Medyo natagalan pa siya kasi may mga tao ding sagabal sa paglalakad niya.
BINABASA MO ANG
I Will Make You Mine <EDITING>
RomanceA typical story between over confident and not into commitment boy that meets a typical masungit na image conscious na girl. A typical story that started from hatred to friendships to unrequited love. How love can make you want to have the person wh...