Napasigaw si Vince sa sobrang lamig ng tubig na tumapon sa kanya. May mga piraso pa ng yelo ang nakita niya sa semento.
Ano 'to? Ice bucket challenge? Matagal nang tapos 'yon ah. Nanginginig si Vince sa sobrang lamig. Mas lalo siyang nilamig nang umihip ng malakas ang hangin dahil na rin siguro sa gabi na kaya malakas ang hangin.
"Pervs! Are you okay?" Tanong ni Trisha nang makalapit siya kay Vince na parang naging bato sa kinatatayuan nito.
"Ma'am Trisha, ayos po ba yung pinagawa niyo samin'?" Sabi ng bouncer na ngiting ngiti dahil sa successful ang plan nila.
Napatingin naman si Vince kay Trisha nang maintindihan niya kung anong nangyayari.
"RETARD!"
Sobrang na-guilty si Trisha sa nangyari kay Vince lalo na nung sinamaan siya ng tingin nito. Nginitian niya lang ito pero bigla naman siyang iniwan at dire-diretsong pumasok sa loob.
Kakapasok lang ni Trisha ng Same Place ulit at umupo sa stool kung saan siya naka-pwesto kanina. Galing kasi siya sa staff room dahil pinagalitan niya pa yung mga inutusan niya kaninang magtapon ng ice buckets kay Vince.
Stupid staffs. Simpleng instructions, hindi magawa.
"You're still not in the mood after what you did, huh?"
"I don't know what you're talking about, Megan." Pag-iwas ni Trisha sa topic. Nagui-guilty talaga siya kapag na-aalala niya yung nangyari.
"I've heard about what happened earlier, Trish." Tapos tumawa si Megan na para bang maiiyak na sa katatawa. "As you can see--- Hahaha. I-I can't help but laugh when I heard you did that ice bucket challenge to Vince." Natatawang sabi ni Megan kay Trisha. "You're such a bad girl! How could you do that especially to VINCE?"
Napakunot naman ang noo ni Trisha sa sinabi ni Megan. "So what if I did that to Vince? He's not somewhat special."
"What are you saying? He's hot... even though he's not that macho but he's handsome! His alluring eyes. His dimples. His lips --- how does it feel to kiss those lips, huh, Trish?" Nakatingin ito kay Trisha na para bang nang-aasar.
Na-alala tuloy bigla ni Trisha yung nangyari nung una silang nagkita ni Vince. First kiss niya. Nakalimutan niya na yun eh! Na-alala niya nanaman dahil kay Megan.
"Megan!"
"Oh? You're blushing!"
"No, I'm not!"
"Come on, Trish.Your face is red!" Natatawang sambit ni Megan.
"Stop or I'll tell your lovey dovey boyfriend, Liam, that you're fantasizing SOMEONE ELSE." Pagbabanta ni Trisha kay Megan para lang matigil ang pang-aasar nito sa kanya.
"Bad ka!" Napanguso si Megan at hinampas ng mahina ang braso ni Trisha.
Ilang saglit lang ay tumabi na din sa kanila sila Cathy at Francis na kakatapos lang makisayaw.
"I thought our Ms. Prankster of the night went home already. Nandito pa pala." Nakangiting sabi ni Frances na umupo sa tabi niya.
"I can't believe you did that to him, Trish. I'm the one who feels the guilt instead of you the whole time I hear his rants about you nung nagbibihis siya sa C.R." Umupo si Cathy sa tabi naman ni Megan. Nakaharap silang apat sa bar counter at umorder ng bagong drinks.
BINABASA MO ANG
I Will Make You Mine <EDITING>
RomanceA typical story between over confident and not into commitment boy that meets a typical masungit na image conscious na girl. A typical story that started from hatred to friendships to unrequited love. How love can make you want to have the person wh...
