[6]

67 4 0
                                    

[a/n: Bigyan muna natin ng konting kembot si Trisha ^^
        Enjoy!]


XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX


[Andrew Javier]


"HOW ABOUT ME? I ALMOST DIE BECAUSE OF YOUR PETTY REVENGE STUPID FUCKING SHIT OF JERK!!! YOU. ALMOST. KILLED. ME!"


I am shocked. Hindi ko alam kung saan nagsimula at ano ang mga nangyare sa kanila. Nakatulala lang ako sa kinatatayuan nila. Bumalik lang ako sa sarili ko nang narinig ko yung bagsak ng pinto ng coffee shop na 'to. Lumabas na si Trisha?


Tinignan ko ulit yung dalawang lalaki na kausap ni Trisha kanina at tulala din sila. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin after what I heard. Basta ang alam ko lang dapat kong habulin si Trisha. Agad akong lumabas at hinanap siya. She's running away.


"Is she okay? Ofcourse not! Stupid." Tanong ko, sagot ko. Umiyak nga siya eh, okay ba yon?


Naabutan ko siya nang tumigil siya sa tapat ng restaurant.


"Hey!" Hihingal-hingal kong tawag sa kanya. Umupo ako sa sidewalk dahil sa pagod ako sa paghabol ko sa kanya. Tsaka isa pa, I can't look at her face matapos nang masaksihan ko yung nangyari kanina. I'm sure she feels more awkward than I am. Pano ko ba siya i-aaproach? Nahihiya ako kasi baka ayaw niya ng nangenge-alam sa private life niya.


Umupo din siya sa tabi ko then she pat my shoulder. "Are you okay?" She asked me. Napatingin ako sa kanya.


"Diba' dapat ako ang nagtatanong sayo niyan? Are YOU okay?" Bigla siyang ngumiti.


"Mukha ba akong hindi okay?" Tapos tumawa siya. Huh?


Pinagmasdan ko lang siya habang tumatawa. Naluluha na siya sa kakatawa.


"Okay ka lang ba talaga?" Tanong ko sa kanya. Tuloy lang siya sa pagtawa habang ako naman hagod ng hagod sa likod niya. Oo nga pala, sinabi niya kanina na muntikan na siyang mamatay, hindi kaya trauma to sa nangyari sa kanya?


"Are you going insane?" Napatigil siya sa pagtawa niya at pinunasan yung luha niya. Tumingin siya sakin saglit tapos tumingin naman sa pinanggalingan naming coffee shop kanina.


Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita. "Last week sinabihan ako ng pervert na yun na retard daw ako. Tapos ikaw naman, insane?" Tumingin siya sakin. "Baliw na yata ako."


"Hindi yun yung ibig kong sabihin! Kasi diba kanina sabi mo na you were almost killed?! Tapos tumatawa ka dyan habang umiiyak hindi ko alam kung anong dahilan kaya naisip ko baka na-trauma ka dahil nga sa---"


"Stop!" Nagulat ako nung sumigaw siya kaya napatigil ako sa pagkakataranta ko.


I Will Make You Mine <EDITING>Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon