5 na ng hapon at kakatapos lang mag-ayos ni Trisha. Suot niya na ang dress na binili niya nung isang araw at nakapag-make up na din siya ng very light. Na-alala niya pa yung hikaw na na-'shop lift' niya daw sa department store ng mall. Bigla niya tuloy na-alala si Vince.
Humanda talaga sakin yung Pervert na 'yun!
Kumuha siya ng isang pares ng hikaw sa box na 'yon at isinuot niya sa tenga niya. Buti na lang at maganda ang nga hikaw, kundi ipapakain niya yun sa manyak na 'yon. Joke!
Pagkatapos mag-ayos ng sarili ni Trisha, tinext niya muna sila Cathy at Frances na magkita na lang sila sa party. Hindi invited si Megan dahil hindi naman siya kilala ni Heidi, the celebrant. Schoolmate nila si Heidi at Second year college pa lang ito, bukod kay Heidi ay in-invite din sila ng kapatid nitong si Hailey na blockmate nila. Ang pamilya nila Hailey ay isa sa mga makapangyarihan at malakas lalo na pagdating sa mundo ng business.
Bumaba na si Trisha mula sa kwarto niya at palabas na sana nang bigla niyang nakasalubong ang 'ate' niya.
"Saan ka pupunta?"
Anong bang paki-alam niya?
"None of your business." Tatalikod na sana si Trisha nang magsalita ulit ang ate niya.
"Going on a date? They should know about this." Nakangising sabi ng ate niya. Tinutukoy nito ang daddy at mommy nila.
"Trixie," napabuntong hininga si Trisha. Ayaw kasi ng parents nila na magkaron' or pumasok sa isang relationship. Napaka-strikto ng mga ito lalo a ng mommy nila. At kapag nalaman nila na may 'boyfie' na sila ay hindi alam ni Trisha kung anong mangyayari at kung ano man 'yon, hindi alam ni Trisha kung bakit ayaw niya nang malaman. Kaya hanggang ngayon, sa edad niyang 20, NBSB pa rin siya at puro hanggang crush lang. Isa lang naman ang crush niya eh, si Kuya Henney, yung pinsan ni Megan. Hindi pa siya naiinlove, bakit? Kasi she's in control.
"I'm going on a party, okay? Birthday party to be exact." Patuloy na sabi ni Trisha.
"Of who?"
"Sanchez's daughter." Walang kagana ganang sagot ni Trisha.
"Am I not invited?!" Nagpadyak pa ito ng isang paa.
"I don't know. Did you received an invitation? If not, just shut up." Pagkatapos ay dire-diretso na si Trishang naglakad palabas ng bahay nila. Narinig niya pang may sinabi ang ate niya pero hindi niya na inintindi pa yun.
Dumiretso siya ng garage para kunin ang pulang sasakyan niya. Sumakay na siya at pagkatapos ay pinaandar ito.
Pagkadating ni Trisha sa venue, itinigil niya ang kotse sa harap mismo ng entrance ng isang garden na nasa likod ng isa sa pinakasikat na hotel sa bansa. Pagkababa ni Trisha ng sasakyan niya ay ibinigay niya ang susi niya sa valet at pumasok siya sa garden at naglakad sa mahabang red carpet.
![](https://img.wattpad.com/cover/3675539-288-k609097.jpg)
BINABASA MO ANG
I Will Make You Mine <EDITING>
RomanceA typical story between over confident and not into commitment boy that meets a typical masungit na image conscious na girl. A typical story that started from hatred to friendships to unrequited love. How love can make you want to have the person wh...