Kanina pa nasa loob ng kwarto si Vince at walang balak na lumabas. Nakadapa lang siya sa kama niya at nakatalukbong ng kumot.
Sobrangkahihiyan ang nangyari sa kanya kanina. Salahat nang pwedeng makakita sa --- sa... sa paglabas ng ano niya, ng sipon niya yung baliw na babae pa na 'yon! Bakit ba kasi siya tinapunan ng mga yelo ng Retard na yun? Sa pagkaka-alala niya, bawi na siya sa mga atraso niya kanina dahil binigay niya na yung relo na 'yon.
Dapat nasa Same Place pa rin siya ngayon at nagsasaya. Hindi yung nakahilata siya sa kama niya habang barado ang ilong niya at nananakit ang ulo.
Retard, may araw ka din sakin'.
Tuloy lang sa pagrereklamo at pagbabanta sa isip si Vince nang makarinig siya ng malakas na katok sa pintuan ng kwarto niya. Sisirain ban g kumakatok yung pintuan niya? Parang kahit anong oras ay lalabas si Hulk sa lakas ng mga katok na naririnig niya mula sa labas.
"Pervs?! Pervert?!"
Ugh. Hindi pa rin siya umaalis? Tsk.
"Hoy pervs! Lumabas ka dyan!"
Hindi pinansin ni Vince si Trisha at ipinikit na lang nito ang mata niya. Matutulog na lang siya.
Ilang minuto ding naging tahimik ang paligid. Inisip ni Vince na siguro ay umuwi na si Trisha. Mabuti naman kung ganon', ibig sabihin ay makakapagpahinga na siya.
Huminga ng malalim si Vince at humiga ng maayos sa kama niya. Itutulog niya na lang muna ang lahat ng nangyari ngayon. Bukas na siya mag-iisip kung ano ang igaganti niya sa Retard na 'yun.
Malapit na siyang mahimbing sa tulog nang makarinig ulit siya ng mga katok pero this tme, mahinahon na at hindi na mukhang mabubutas yung pinto niya.
"Open the door, Pervs. Lalamig na yung pagkain." Mahinahon na sambit ni Trisha.
Naibukas ni Vince ang mga mata niya at nagtatakang bumangon ng kama. Hinintay niya munang tumigil ang mga katok ni Trisha bago siya naglakad papalapit sa pintuan niya. May pagkain daw?
Maingat na pinihit ni Vince ang doorknob at dahan-dahang binuksan ang pinto. Sumilip siya sa maliit na awing ng pinto niya, wala siyang balak na lumabas. Gusto niya lang makita kung anong ginagawa ni Trisha at kung totoo ngang may pagkain. Tumingin siya sa maliit na dining area na pwedeng makita mula sa kwarto niya. Nagulat si Vince nang biglang lumitaw sa harap niya si Trisha.
"AAAH!!!" / "AAAAHH!" Sabay nilang sigaw na dalawa. Napa-upo si Vince sa sahig ng kwarto niya dahil sa gulat. Si Trisha naman ay agad na binukas ang pintuan nang makalma siya.
"ANO BA KASING GINAGAWA MO DYAN PERVS?!" Nakapameywang na tanong ni Trisha na halata sa itsura ang pagkairita.
![](https://img.wattpad.com/cover/3675539-288-k609097.jpg)
BINABASA MO ANG
I Will Make You Mine <EDITING>
RomanceA typical story between over confident and not into commitment boy that meets a typical masungit na image conscious na girl. A typical story that started from hatred to friendships to unrequited love. How love can make you want to have the person wh...