CHAPTER 21

5.3K 77 4
                                    

LEVE'S POV

"Alexander!" Bungad kaagad sa aming dalawa ng lalaki ng makababa kami sa limousine na sinasakyan namin.

Nag-lakad muna kami sa gitna ng red carpet, habang hawak ng lalaki ang aking kamay, bago narating ang entrance ng hall kong saan ginaganap ang reception.

At habang nag-lalakad sa gitna ng carpet ay puro mga flash lang ng mga cameras ang nakikita ko, nakakasilaw ang mga ito tulad ng palaging mga nangyayari satwing uma-attend ako ng mga business gatherings.

"Hello again, sweetie." Masayang saad na naman ng mommy ni Xand sa akin ng makapasok kami sa hall.

"Hi." Nakangiti ko nalang sagot.Kaninana pa sila ganyan sa akin, lahat sila ng mga relatives ng lalaki, na para bang butong-buto talaga silang lahat na mag-pakasal kami ng lalaki.

Tsk, eh kong tarayan ko kaya silang lahat para maisip nilang masama ako tapos baka sila na mismo ang tumutol ng lintik na kasal at ipag-hiwalay kami.

Oh diba? Napaka-gandang plano non para di matuloy ang kasal, pero di naman ako ganon kasamang klase ng tao.

Di naman ako ng tataray ng walang dahilan, lalo na pag-mabait pa yong pag-tanggap sa akin.

Hays, naiinis na din talaga ako sa sarili ko ah! Eh ang gusto ko lang naman ay makaalis sa sitwasyong to at maka-uwi na ng bansa!

"Congratulations." Bati pa namin ulit sa bagong kasal na sina Carter and Mavka ng malapitan namin sila. They looks so in love with each other, para ngang wala nang makakapag-hiwalay sa kanila.

They're also both young and so in love, at alam kong bitter akong tao but I hope, di sila mag-hiwalay tulad ng iba.

Pag-katapos non ay nag-party pa ang lahat, hanggang sa nakaramdam na ako ng antok dahilan upang gusto ko nang umuwi.

"Wanna go home, honey?" Malambing na tanong pa sa akin ng lalaki na sinagutan ko lang ng tango.

Pag-katapos nga non ay nag-paalam na kami sa lahat, napaka-saya pa nila habang nag-papaalam dahil kami na daw ng lalaki ang susunod na ikakasal.

Like duh, nongkang mang-yayari yun.

"Do you know why I dislike getting married?" Biglang saad ko sa lalaki sa kalagitnaan ng aming byahe.

Kami lang dalawa ang nasa loob ng malaking sasakyan, at antok na antok na talaga ako kaya naman pinasandal niya na ako sa kanyang dib-dib habang hinihimas ang aking balikat upang maging komportable ako, di na din naman ako umaangal sa mga kilos niya dahil wala na akong time para mag-inarte.

"Why?" Malambing na tanong sa akin pabalik ng lalaki.

At kahit inaantok ay pinilit ko paring sumagot sa kanya.

"Bata palang ako, alam ko na kaagad ang kalalabasan ng mga potang*nang kasal na yan." Mahina kong saad ngunit puno naman ng hinanakit, pumintig pa ang aking puso ng may naalala iyong mga sakit ng kahapon, "Alam ko namang mag-hihiwalay din lahat, maybe meron ngang hindi, pero tinitiis nila ang isa't isa at nag-hihintay nalang kung sino ang unang bibitaw." Saad ko pa, "Ang iba naman nag-papaka-martyr nalang para manatili lang buo ang pamilya nila, at ayaw ko non, di ako ganon." Dag-dag ko pa.

"Hindi naman lahat ganon..." Mahina niyang saad na para bang gustong iparating sa akin na di lahat ng kasal o pag-aasawa ay ganon ang kalalabasan.

Ngunit wala eh, naka-baon na sa utak at puso ko mula pa noon ang mga iniisip at dahilan kong to.

It's buried including in the deepest part of my heart, dahilan upang di matanggal-tanggal at mawala-wala.

It's like a wound there na kahit anong pilit mong gamot at limot ay di mawawala.

Na para bang kahit binaon muna ay may piklat parin talagang nakikita.

"Pag-nag pakasal ka, it means matatali ka na. Tapos kailangan mong tiisin lahat para lang mag-work yun." Sagot ko naman sa lalaki.

"Why are you saying this huh?" Tanong niya naman, alam kong naguguluhan siya sa mga pinag-sasabi ko, lalo na't parang wala naman itong pinupunto.

"My father cheated when I was a kid, tapos ayon, palagi lang pinapatawad ni mommy kahit ilang beses niya nang ginawa, tapos palaging umiiyak si mommy sa harap ko dahil ang sakit-sakit na daw, pero di niya pa din hiniwalayan si daddy, para daw manatiling buo lang ang pamilya namin." I said, naramdaman ko namang parang natigilan siya dahil don, dahilan upang mapangiti nalang ako ng mapait, "Then kong di naman babae ang pinag-aawayan nila ay patungkol naman sa pera, kesyo daw ganyan ganon, tapos palagi pa silang nag-tatalo. Alam mo yun? It's so suffocating to the point that it became my trauma." Dag-dag ko na di ko man lang namalayang tumutulo na pala ang aking luha.

Napakasakit, siguro sasabihin ng iba normal lang yun bilang buhay mag-asawa. Pero paano naman kaming mga anak na nakikita ang paulit-ulit na nangyayari sa pamilya?

"As well as our neighbors and my aunts, they're all suffering because of that f*cking marriage until now." I can't help but to said, habang inaalala ang lahat ng dahilan kong bakit ayaw kong mag-pakasal, "At dahil sa lahat ng yun, ayaw kong mag-pakasal, yes maybe I'm afraid of getting married." Natatawa ko pang ani ngunit patuloy parin naman ako sa pag-iyak, parang ako na ata ang baliw nito dito, "At sa lahat siguro ng mga bagay sa mundo, yun ang di ko kayang e risk. I can't risk on it, Xand. I can't risk on a thing na wala namang kasiguraduhan. Ayaw kong pumasok sa isang bagay na alam ko lang din naman ang kalalabasan." Dag-dag ko pa.

"You see, marriage is chaotic, it's messy and I don't like it. I don't wanna risk on it." Saad ko pa, hanggang sa naramdaman ko nalang na pinahid ng lalaki ang mga luha ko.

"Kaya mas gugustuhin ko pang palakihin ng mag-isa ang anak ko, kaysa mag-karoon ng pamilya pero puno naman ng hinanakit." Saad ko sabay angat ng tingin sa lalaki na ngayon ay malamlam ang mga matang nakatingin sa akin.

"Hindi na kita pipiliting mag-pakasal sa akin, hindi kita pipilitin sa bagay na di mo gusto." He said, "Pero pwede naman sigurong palakihin natin ng mag-kasama ang anak natin diba?" He asked, "Gusto kong makitang lumaki ang bata kasama ka, Leve. Gusto kong aalagaan natin siya ng mag-kasama, gusto kong pareho tayong nasa tabi niya habang lumalaki siya." Dag-dag niya pa.

"Like co-parenting?" I asked.

"But I want us to live in the same house." He pouted.

May co-parenting bang nakatira sa iisang bahay?

!!!!!!!!!!!!!!

@CRISPR7

💙🦂💙

FUCK ME, MR.STRANGER (CRUCERO SHIP # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon