SS 5 : Confession

7.6K 147 1
                                    

WRITTEN BY : PINKANIMEKAWAII

 

 

SS 5 : Confession

 

 

[ Krizzia's POV ]

Napapikit na lang ako. Madidisgrasya na naman ako. Hindi ko na idinilat ang mata ko. Maya-maya naramdaman ko na lang na bumangga ako kung saan. At major-major ang sakit ng katawan ko lalo na yung mga parteng naka cast. At tumilapon pa ako sa wheelchair.

Namimilipit talaga ako sa sakit. May saltik talaga si Potchi. E di sana kung magra-runaway siya, sinama niya ako. Hindi yung ganito, tinulak niya ako. Ang masaklap pa, papunta kay Nate. Eh kung sa pader na lang mas okay pa eh.

Pero ang masama pa, doon sa may Nate na yun. Pero infairness hindi ako masyadong nasaktan. Dinilat ko ang mata ko. Naimbyerna ako. Kaya pala hindi masakit. Nadaganan ko pala si Nate. Haisst ! Handa na nga sana akong masaktan, wag lang akong tumama sa kanya.

" Sh*t ! Ano wala ka bang balak tumayo ? " grabe naman ito. Makapag curse wagas. Eh kung makakatayo ako mag-isa di ba ? Baka kanina pa ako tumayo. 

" Hindi ako makatayo. " sabi ko sa kanya. Straight face lang ako baka mabali ng wala sa oras yung leeg ko. Nag smirk siya.

" Marunong kang manood sa taong nagbibihis pero hindi mo kayang makatayo ? " naka smirk pa rin siya. Buysit kasi yung bading na yun eh. Pinahamak na naman ako.

" Pwede ba ? Tingin mo makakapunta ako mag-isa dito ha ? Tignan mo naman ako. Naka cast lahat. Ewan ko ba sa may saltik kong kapatid. Sabi ko magandang VIEW as in tanawin. Hindi ko sinabing VIEW ng abs ng lalaki. " ilalabas ko na yung sama ng loob ko. 

" Tsssk. You dont have to deny it. You just want to see my face. " gravity lang talaga ! Ang kapal ng mukha. Kahit konti hinding-hindi ko siya papanoorin no. Buysit kasi ! Ang malas malas ko talaga. Dapat namatay na lang ako eh. Kaysa nangyayari yung ganitong kahihiyan sa akin.

" Pwede ba ? Pakitayo na lang ako. " nabubuysit talaga ako dito sa lalaking ito. Tinayo na niya ako at dinala sa wheelchair. Kahit na gwapo siya, ang hangin niya. Pero nung maalala ko na nagkita kami sa CR ang duwag-duwag niya. Nagtaka ako sa kanya dahil kung makatingin parang tutunawin na niya ako ?

" I think I saw you somewhere. " ay anak ng tinapang galunggong. Baka mamukhaan niya ang beauty ko. Malalagay sa panganib ang aking buhay.

" Ha..Ha...Ha... Hindi pa tayo nagkikita kahit kailan. Hindi nga kita kilala eh. " nakangiwi ako nung sabihin ko yun. Kasi kilala ko talaga siya dati pa. Hindi na siguro niya naaalala na siya yung palaging nambu-bully sa akin nung nasa gradeschool pa lang kami.

She's Scary ( completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon