SS34 : Forehead Kiss

4.3K 85 4
                                    

A/N : Dedicated to ChristineJoieZulueta. Enjoy. Comment.

-------------------------------------------------------------------

WRITTEN BY : PINKANIMEKAWAII

SS34 : Forehead Kiss


[ Krizzia's POV ]


Nagising ako dahil sa sakit na nararamdaman ko sa ulo ko. Idinilat ko nang dahan-dahan yung mata ko. Kulay puti yung paligid.


Pipikit ulit sana ako, pero may nakita akong nakahiga sa gilid ng kama ko. Nananaginip yata ako eh. Si Nate, binabantayan ako ? Hindi talaga ako makapaniwala.


Feeling ko, warm person talaga ito si Nate. May nangyari lang talaga siguro dati kaya siya naging cold sa mga tao sa paligid niya. Ang sarap niya panoorin habang natutulog siya. Ang amo nung mukha niya.


Dahil nasiyahan ako sa panonood sa kanya, sinundot ko yung pisngi niya. Pinaglalaruan ko yung mukha niya. Dahil ayaw niyang magising, pinisil ko yung ilong niya nang matagal.


" Ano ba ?! " tinabig niya yung kamay ko at unti-unting dumilat. Para naman siyang nakakita ng multo nung makita niya ako.


" Hoy ! Okay ka lang ba ? " iwinagayway ko pa yung kamay ko sa harap nung mukha niya.


" Okay ka na ba ? Wala na bang masakit sayo ? Teka lang, tatawagin ko lang yung doctor. " at lumabas na siya ng private room.


Pagkabalik niya, kasama na niya yung doctor. Yun din yung doctor nung nakaraan na gumamot sa akin nung malaglag ako sa bahay nila Nate. Nakakahiya tuloy. Wala pang dalawang buwan simula nung mangyari yung aksidente na yun.


" Kumusta ka na Ms. Pantino ? Meron bang masakit sa ibang parte ng katawan mo bukod sa ulo mo ? " tanong sa akin ni Doc.


" Wala naman po. " sabi ko.


" Sige, maiwan ko na kayo. Mamaya, ihahatid na yung pagkain mo at pati na rin yung gamot mo. " pagkalabas nung doctor, sumeryoso naman si Nate.



" Sino ba ang gumawa sayo niyan ha ? " napatingin ako kay Nate.


" Hindi ko kilala eh. Pero okay lang yun. Okay naman ako eh. " nginitian ko siya.


" Wag mo nga akong nginingitian diyan ! Paano kung namatay ka ha ?! Mag-ingat ka nga ! Alam mong ikaw ang the best na pantaboy sa mga ex ko eh. " tumayo siya at inilapit yung mukha niya sa akin.


Buysit talaga itong lalaking ito eh. Medyo nag-improve na nga yung tingin ko sa kanya eh. Pero bumalik na naman sa pagiging jerk.


She's Scary ( completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon