SS42

3.9K 82 1
                                    

WRITTEN BY: PINKANIMEKAWAII



SS42



[ Krizzia's POV ]



" Wag na po kayong umiyak. Tama na po. " pinat ko yung likod ni manong pogi.



Parang bata naman itong lumayo sa akin at nagpunas ng luha. Kanina lang, super seryoso niya tapos ngayon para siyang bata kung umasta.



" Halika. Magkwento ka sa akin. " hinila ako ni manong pogi tapos nasa likod naman namin si Kuyang pogi.



" Eh, kailangan ko na pong umuwi eh. Baka madali na naman ang beauty ko ng mahiwagang sandok ni mudra. " iniisip ko pa lang na tatama sa akin yun, parang gusto ko nang tumakbo sa bahay namin.



" Ako bahala. Tawagan mo na lang mama mo. Tapos kakausapin ko siya. Malapit na ring maluto yung pinahanda kong pagkain. " inabot sa akin ni Manong pogi yung cellphone niya. Iphone 6 yung cellphone niya. Yaman ! Sige mag i stay ako ! Nagugutom na rin ako.



Dinial ko yung number ni mudra. Kaagad naman itong sumagot.



" Asan ka bang bata ka ?! Ha ?! At kaninong number ito ?! Pag uwi mo, mapapalo ka ng sandok ! " dahil naka loud speaker, narinig nila Manong pogi at Kuyang pogi.



Napatingin ako sa kanila. Nakangiti sila parehas. Lumayo naman ako ng konti sa kanila.



" Mama naman. May mga kasama ako dito. Wag kang sumigaw. Pag nakita mo si Manong pogi baka ma inlove ka sa kanya. Bilis punta ka dito. " pag-iiba ko sa usapan para maalis yung atensyon niya sa akin.



" Wag mong ibahin yung usapan Krizzia Mikaela Pantino ! Wag mo akong ibugaw kung kani-kanino ! " galit na sabi ni mudra.



" Ayaw mo ba mudra ? Pogi, may abs, mayaman, mabait pa ! Ayaw mo ? " pang-aakit ko sa kanya. Nakalimutan ko na may kasama ako kaya kung ano-anong pinagsasabi ko.



Ginawa ko kay mudra dati ito. Hindi kasi ako pinayagang sumama sa fieldtrip. Hindi ko tuloy nakasama noon si Chasten. Kaya ang ginawa ko, sinabi ko na gusto siyang ligawan nung pogi kong teacher. Nung nagkita sila, super dissappointed si mudra. Sabi ko kasi, pogi tapos maganda katawan.



Pero kabaligtaran nun yung itsura. Parang umuungol na aso si mudra nung umuwi sa bahay. Akala ko umiiyak siya dahil dissapointed siya sa teacher ko. Ang sabi niya kaya siya umiiyak, dahil daw sa akin. Sira daw yung mata ko. Hindi ko daw alam itsura ng gwapo sa hindi. Tapos kinabukasan dinala ako ni mudra sa opthalmologist. 20/20 naman daw eyesight ko. Natigil sa pag-iyak si mudra papunas-punas effect pa siya nun. Wala namang luha. Nung narealize niya yung ginawa ko, umuwi kami sa bahay at na boogie wonderland ang beauty ko. Bumalik ako sa present nung marinig ko yung boses ni mudra.

She's Scary ( completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon