SS 23: Family Dinner

4.5K 107 4
                                    

A/N : Dedicated to babydoll214

Dahil hinihintay mo ang update ko, ide-dedicate ko sayo itong chapter na ito. Enjoy reading. 

-------------------------------------------

WRITTEN BY : PINKANIMEKAWAII





SS23 : Family Dinner



[ Krizzia's POV ]





Katatapos lang naming kumain. Busog na busog talaga ako. Ang sa-sarap nung mga pagkain na hinanda nila. Ang sama nga ng tingin sa akin ni Nate eh.

Hinawakan ko yung tiyan ko na ngayon ay malaki dahil sa dami ng kinain ko. Kung ganito papagawa sa akin nitong mongoloid na ito, palagi akong sasama sa kanya nang walang pag-aalinlangan.

Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at lumabas ng mansion nila Nate. Ang swerte siguro ng mapapangasawa ni mongloid. Ang yaman nila. Bumalik lang ako sa katinuan nang may tumikhim sa tabi ko.

" Ahem ! " napatingin ako kay Nate na nakatayo sa tabi ko.

" Ganito ba palagi ang gagawin ko ? Kung ganito palagi, sasama ako sayo kahit saan. " nakangiti kong sabi sa kanya.

" Tss.. " tinignan niya lang ako.

" Ang sasarap ng pagkain. Tuwing may family dinner kayo, ayain mo ako palagi ah. " liningon ko siya.

" Halata namang nasarapan ka eh. Halos kainin mo na nga yung plato pati yung lamesa. " sarkastikong sabi ni mongoloid.

" Nakakabuysit ka na talagang mongoloid ka ! Alam mo ba yun ?! " gigil na sabi ko sa kanya.

" Tigilan mo nga kakatawag sa akin ng mongoloid ! Ikaw nga ang mukhang mongoloid eh. " buysit na buysit siya sa akin.

" Ikaw yun ! " dinuro ko pa siya.

" Hindi ka lang pangit, mataba ka pa. " nagulat ako nung bigla niyang hawakan yung tiyan ko.

Aba ! Impakto talaga itong lalakeng ito ! Ipinamumukha talaga sa akin na bondat ako. Naiinis ako sa kanya nang bonggang-bongga ! 

Sinabunutan ko siya at dali-daling tumakbo sa loob ng mansion nila. Bwahahaha !

[ 3rd Person's POV ]

Nanonood mula sa hindi kalayuan ang Lolo, Lola at Papa ni Nate. Pagkatapos kasi nilang mag dinner ay lumabas ang mga ito.

Mula sa kalayuan, nakikita nila na nagtatawanan si Krizzia at Nate. Ang saya pa ng mga ito. Napahagikhik ang Lola ni Nate nang hawakan ni Nate ang tiyan ni Krizzia.

She's Scary ( completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon