SS48

4K 77 3
                                    

WRITTEN BY: PINKANIMEKAWAII


SS48


[ Hana's POV ]



Spell nganga. A-K-O. Nagbabangayan lang si tita tsaka yung pudra ni bhessie. My gahd ! Kaya pala naka dalawa kay tita eh. Macho pa rin tapos super pogi talaga niya. Kamukha niya si Potchi. Pero si bhessie, kamukha yata noong ninuno nila.


" Daughter ?! Ha ! Wala kang anak sa akin ! " sigaw ni tita habang dinuduro yung lalaki.



Nasa gitna lang ako habang pinapanood ko silang mag-away. Ang dami na ngang nagtitinginan eh. Parang gusto kong bumili ng popcorn. Pang telenovela ang peg nila tita.


" She's my daughter too ! " naiinis na sigaw nung pudra ni bhessie.



" Ah......Mrs. Pantino, " tumikhim yung doctor. Hindi pa rin maawat sila tita sa pagbabangayan.



" Tita ! Mamaya na kayo mag warla ng asawa mo ! Nandyan na yung doctor ni bhessie. " sigaw ko sa kanya. Natigil naman sila sa pagsasagutan.



" Hindi ko asawa yan no. Tsaka wala akong asawang pangit—Okay lang po ba yung anak ko doc ? " bumaling si tita sa pudra ni bhessie at inisnaban sabay humarap sa doctor.



" Pangit daw. Hinahabol-habol mo nga ako dati. " he scoffed. Bulong lang yung pagkakasabi nito pero maririnig mo pa rin.



" Oh sige po doc. " sabi ni tita sabay bumaling sa pudra ni bhessie.



" Akala mo hindi kita narinig ah. Ha ! Dati yun ! Nilipasan ka na ng panahon no ! Hmp ! Matandang hukluban ! " inisnaban ni tita yung pudra ni bhessie at pumasok na sa kwarto ni bhessie.



" Ano bang problema nun ? Ang sungit.. " napakamot na lang ng ulo yung papa ni bhessie.



Gusto kong matawa kay Tita Zia tsaka dito sa papa ni Krizzia. Para silang teenager na may LQ. Sumunod din ako kay tita. Pumasok din yung papa ni bhessie.



" Sinong nagsabing pumasok ka ?! Shoo ! Labas ! " parang aso lang na pinapaalis ni tita yung papa ni bhessie. Alam nyo na ngayon kung saan nagmana yung kalog kong kaibigan ?



" No. " madiing sabi nito. Lumapit ito sa kama ni bhessie.



" Hala ! Wag ka ngang tumabi sa anak ko at baka mahawa ng kapangitan mo ! " hinila ni tita papalayo yung papa ni bhessie.

She's Scary ( completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon