SS47

3.9K 81 3
                                    

A/N: Salamat sa nagbabasa ng she's scary. Happy 34k+ reads. Salamat din sa nagbo vote at nagko comment. Mga 3 chapters pa at matatapos na ang kalokohan ko sa buhay. Hahahaha ! Anyway, enjoy. :-)

---------------------

WRITTEN BY: PINKANIMEKAWAII

SS47

[ Krizzia's POV ]

Napabangon ako mula sa pagkakahiga. Napahawak ako sa tiyan ko. Sobrang sakit. Anong nangyayari ? Tumayo ako sa kama habang hawak-hawak ko yung tiyan ko. Hindi ko na binuksan yung ilaw.

Humawak ako sa pader ng kwarto para masuportahan ko yung katawan ko. Sobrang sakit talaga ng tiyan ko na halos hindi ako makalakad nang maayos. Malapit na ako sa mini fridge nung biglang sumakit ng todo yung tiyan ko. Natanggal yung pagkakahawak ko sa pader at napahawak ako sa tiyan ko. Nanlaki yung mata ko nung unti-unti kong nararamdaman na bumabagsak ako. Napapikit na lang ako.

Pain shot through my head. Gusto kong idilat yung mata ko pero parang antok na antok ako.

Sana may makakita sa akin......... piping hiling ko.

And then, darkness consumed me.

[ Hana's POV ]

Anong gagawin ko ? Si bestfriend na lang yung pwede kong takbuhan. Pinunasan ko yung luha ko. Dahil hindi naman nagla lock ng pinto si bhessie, nakapasok kaagad ako.

" Krizzia...... Bhessie.... Walang gulatan ah. " tawag ko sa pangalan niya. Ang dilim kaya kinapa ko yung switch ng ilaw. Nung nakapa ko yung switch, sinindihan ko kaagad yung ilaw.

Wala sa kama si bhessie. Saan naman siya nagpunta ? Pumunta ako sa may kitchen. Halos manlaki yung mata ko nung makita ko siya sa sahig. Grabe talaga. Walang pinipiling lugar na tutulugan. Lumapit ako sa kanya at tinapik-tapik yung balikat niya. Hinawakan ko yung ulo niya at tinurn yung ulo niya papunta sa akin. Putok yung noo niya at tuyo na rin yung dugo.

Nag dial kaagad ako sa cellphone ko at tinawagan yung staff ng hotel para papuntahin yung doctor dito sa taas. Mga ilang minuto lang, dumating na yung doctor. Inexamine din si bhessie. Tinawagan ko rin yung bahay nila tita. Nagpaalam na ako kay tita nung makita kong papalapit yung doctor sa akin.

" Kailangan natin siyang i transfer sa isang hospital para ma obserbahan siyang mabuti." tumango na lang ako.

May dumating na ambulansya sa hotel. Maingat na inilagay si Krizzia sa stretcher at ipinasok sa loob ng ambulansya. Sumama akong sumakay sa ambulansya. Hawak-hawak ko lang yung kamay ni bhessie. Nagkukumpulan yung mga schoolmate namin sa labas ng hotel at nakiki usyoso. Sana marealize ni Nate na mahal niya si Krizzia. Napatingin ako sa bestfriend ko at hinigpitan ko yung hawak sa kamay niya.

[ Nate's POV ]

" Nate....Look ! " biglang napaayos ng upo si Zean. Kami namang tatlo nila Josh at John, napatingin sa tinuturo ni Zean.

She's Scary ( completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon