SS24: Embarassed

4.4K 102 2
                                    

A/N: Dedicated to KimberlyAnnEnciso. Enjoy reading. Comment and vote if you like the update.

----------------------------------------------------

WRITTEN BY : PINKANIMEKAWAII

SS24: Embarassed

[ Krizzia's POV ]


Anak naman ni Aling Petra ! Tumalikod ako sa kanila at itinaas ko yung ibinaba kong part nung dress. Nababaliw na yata talaga ako ! 

Syete ! Nakakahiya talaga ! Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa kama at dinaanan ko lang sila. Walang pumigil sa aking lumabas dahil lahat sila nakanganga. Naglakad ako nang mabilis hanggang makapunta ako sa gate.

Lalo kong binilisan yung lakad ko. Meron bang poste dito na pwede kong pag-untugan ng ulo ko ? Kung anu-ano yung kabaliwang napapasukan ko nitong mga nakaraang araw. 

May nadaanan akong isang poste kanina.  Balikan ko kaya ? Tumigil ako sa paglalakad. Babalikan ko ba o hahanap na lang ako nang iba ? Balikan ko na lang medyo malayo-layo pa yung susunod eh.

[ Leigh Sheien's POV ]

" Pare, ang hot talaga niya. Gusto ka niya makilala. Ano pupunta ka ba ? " as always puro babae yung pinag-uusapan namin ng bestfriend kong si Owen Nathaniel Silverio. Vice President siya ng Student Council.

" Hindi muna. Wala ako sa moo--- " napatigil ako sa pagsasalita dahil may nakita akong familiar.

Sino pa nga ba ? E di si perverted girl. Ang bilis ng lakad niya. Dire-diretso lang talaga siya. Dito rin ba siya nakatira ? Tinignan ko lang si perverted girl.

" Hoy ! Nakikin--- " napatingin na rin sa tinitignan ko si Owen.

" Hoy ! Takte naman pare ! Wag mong sabihin na na inlove ka na diyan sa babaeng yan ? Mas maganda pa yung babaeng sinasabi ko sayo. Mukhang sampung araw na hindi natulog yang babaeng yan dahil sa laki ng eyebag. " yung mukha niya para talagang hindi makapaniwala.

**PAK ! **

She's Scary ( completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon