SS44

4.2K 89 5
                                    

WRITTEN BY: PINKANIMEKAWAII

SS44

[ Krizzia's POV ]

Kakaloka si mudra ! Halos gising kami magdamag dahil kay mudra. Kung anu-anong kalokohan yung pumapasok sa isip niya. Dapat daw pagbalik namin galing sa field trip, jontis na daw ako.

" My gahd ! Sister ! Look ! Inaabangan ka yata ni Papa Nate. " excited na sabi ni Olay at Aniel. Mukha kaming mga zombie na naglalakad.

" Asan ? " excited kong sabi at tinignan siya na nag-aabang sa gate.

Hinila naman ako nila Potchi papunta kay Nate. Napatayo naman nang diretso si Nate nung makita niya ako. Sumeryoso yung itsura niya.

" Iwan na namin kayetch. Gora na. " sabi ni Potchi sabay hila sa dalawa.

" Wait lang. Hintayin natin kung anong ii ispluk ni Fafa Nate. " pilit na nagpapaiwan si Olay.

" Gaga ! Halika na ! " hinila ni Aniel at Potchi si Olay.

Nung makaalis na sila, hinawakan naman ni Nate yung wrist ko at hinila papunta sa likod ng gym.Nabibingi na ako sa sobrang katahimikan. Hindi ako sanay sa ganitong Nate.

" Salamat nga pala sa pagtulong mo sa akin. " inilahad ni Nate yung kamay niya.

" Para saan yan ? " tinignan ko yung kamay niya na nakalahad.

" Para sa pagtataboy ng mga ex ko. Finally, bumalik na ulit si Ryka. Invited ka pala sa engagement party namin. " sabi pa nito nang nakangiti. Nawala naman yung ngiti ko.

Engagement party ? Umaasa lang ba ako ? Nag a assume ba ako na may gusto rin siya sa akin ? Sino nga ba namang magkakagusto sa akin ? Isip bata, palaging nasasali sa ibat-ibang gulo, at higit sa lahat, hindi ako maganda katulad nung Ryka niya. Kailangan ko na sigurong sumuko. Kung magiging masaya siya kay Ryka, magiging masaya na rin ako para sa kanya kahit masakit man sa akin. Ite treasure ko na lang yung mga panahong magkasama kami.

May namumuong muta sa mata ko. Echos lang ! Luha siyempre ! May oras pa akong magbiro eh, ito ako, parang sinasaksak yung puso ko dahil sinabi niya na engage na siya. Bago pa tumulo yung luha ko, tumalikod na ako sa kanya. Pagkatalikod ko, doon tumulo yung luha ko. Ito na lang yung kaya kong gawin. Yung iyakan siya.

She's Scary ( completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon