SS35: Who is it ?

4.1K 82 3
                                    

WRITTEN BY: PINKANIMEKAWAII


SS35: Who is it ?


[ Nate's POV ]


Pagkalabas na pagkalabas ko sa private room ni whitelady, tinawagan ko si Zean. Sinagot naman niya kaagad.



" Dude, nahanap niyo na ba ? " simula nung na ospital si whitelady, hinahanap na namin yung gumawa nun sa kanya.



" Dude, sorry wala pa rin kaming lead hanggang ngayon. " apologetic na sabi ni Zean. Ilang araw na rin kaming walang tulog kakahanap sa taong gumawa nun kay whitelady.



" Its okay dude. " tinapos ko na yung call at ibinalik sa bulsa ko yung cellphone ko. Minasahe ko yung noo ko.



I will catch that culprit eventually. Just you wait, Krizzia.


[ Maui's POV ]


Nalaman kong maayos na yung lagay ni Krizzia pagkatapos ko siyang itulak sa may hagdan. Pinagsisisihan ko yung ginawa ko na yun. Nung makita ko siya na pababa ng hagdan, bigla na lang kumilos yung katawan ko at itinulak ko siya, nang walang pag-aalinlangan. Pagkatapos na lang nung nagawa ko, doon ko na lang na realize na i did something wrong.



Natakot ako kaya umalis ako kaagad. Ilang beses kong binalak na pumunta sa hospital. I want to say sorry. Pero nung makita ko si Nate na galit na galit, napaatras ako. Never ko pa siyang nakitang magalit nang ganon. Baka masaktan niya ako kapag sinabi kong ako yung nanakit sa girlfriend niya.

Im desperate. I want him. Pero muntik na akong makapatay dahil sa pagmamahal ko sa kanya.



" Grabe girl, sobra naman yata yung gumawa nun sa chakang gurlash. Biruin mez, na crack yung headlalu nung gurl. I dont want that to happen to my beautiful and gorgeous head. " siguro kung hindi ako yung gumawa nun sa kanya, baka matawa pa ako sa sinasabi ni Goddess. Pero too bad, ako yung may kasalanan.



Kinagat ko yung labi ko. Gusto nang kumawala nung hikbing kanina ko pa pinipigilan. Tumutulo na rin yung luha kong kanina pa nagbabadyang tumulo.



" Goddess, I did that to her. I pushed her down thestairs. " bestfriend ko siya, alam kong magagalit siya sa akin. Pero i want to make this right. Hindi ko na kaya yung guilt na nararamdaman ko.



" What ?! Why did you do that ?! " disappointment was written all over my bestfriends face.



" I dont know. Its just like, my body acted on its own. " napahagulgol ako.

She's Scary ( completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon