SS 2: Girl in the Bathroom

13.2K 228 22
                                    

A/N: First story ko po ito. Read comment and vote na lang po. Ide-decicate ko kay ate aine tan. Favorite ko talaga ang the orphans first love niya. 

Chapter 2 : Girl in the bathroom

[ Krizzia's POV ]

" Anong gagawin ko nito ? " tanong ko kay Hana. Gulatin ka ba naman habang concentrated ka sa pagpipintura.

Baka pag nakita ako ng mga pulis nito akalain nilang pumatay ako ng sampung tao. Matapunan ka ba naman ng isang timbang boysen paint na kulay pula.

Dagdag pa natin yung alalahanin ko. Baka pag nakita ako ni mother nito, mapalipad niya ako sa heaven ng wala sa oras. At ang kapatid ko na naglalaba ng damit ko, baka mapatay ako non at maisako at baka kinabukasan makita ako sa Ilog Pasig na palutang-lutang. Mahal ko pa ang buhay ko.

" Wait lang ha ? Hintayin mo ako dito. " sabi ko sa bestfriend kong si Hana. Kamalasan nga naman.

" Saan ka pupunta ? " malamang gabi na kaya. Tsaka nakakatakot dito sa school. Tsaka hindi naman siguro ako tatakutin ng mga multo dahil magkakamukha lang kami. Oo, tama ang nabasa niyo. Pag nasa dilim ako, mukha akong multo sa sobrang puti ko. Dagdag niyo pa ang mahaba kong buhok.

" Mag si C.R lang ako. " tinuro ko pa yung hagdan paakyat. Ang dilim-dilim talaga. Kung hindi lang ako natapunan ng boysen paint hindi ako aakyat doon sa madilim na hagdan na yun.

" Bilisan mo gurl ah. Nakakatakot na dito. " tumingin-tingin pa siya sa paligid. Nagsimula na akong umakyat sa hagdan. Nakakatakot sa hallway ng school namin. Super dilim talaga. Kinakabahan pa ako. Para kasing may masamang mangyayari sa akin ngayon.

At dahil sa taglay kong kamalasan, pagdating ko sa C.R ng girls sarado. Nakita kong nakabukas yung C.R ng boys. Wala naman sigurong tao dito diba ? Anong oras na kaya, haler seven p.m na kaya.Dahil wala naman akong maramdamang presence ng tao, pumasok na ako.

At ito na ang pinakamakasay-sayang pangyayari sa buhay ko. Paano ba naman kasi first time kong pumasok sa C.R ng boys. Lumapit ako sa isang sink at binuksan yung faucet. Binasa ko yung handkerchief ko at nagsimula kong linisin yung katawan ko. Pero anak naman ng tokwa ! May nagpaparamdam yata. Patay sindi yung ilaw.

Binilisan ko na yung pagpupunas sa katawan ko. Siyempre natatakot na ako, at isa pa ayaw kong makakita ng real life ghost. Patuloy pa rin sa pagpatay-sindi yung ilaw. O, gwapong Prince Charming kailangan ko ang presence mo.Wag niyo na akong pansinin may toyo lang talaga ako. Pero kahit na natatakot na ako, pinagpatuloy ko pa rin yung pagpupunas sa katawan ko.

She's Scary ( completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon