SS 36 : Names

4.3K 85 3
                                    

WRITTEN BY: PINKANIMEKAWAII

SS 36: Names

[ Krizzia's POV ]

Ang pogi ni Nate! Gravity! Mukha siyang batang natutulog. Pinagmasdan ko lang yung mukha niya. Bali face to face talaga. Napangiti ako. Ang ganda nung mata niya. Yung ilong niya, ang tangos. Tapos yung bibig niya! Yung bibig niya ang kissable.

Sinundot ko yung pisngi niya. Tinabig naman niya yung kamay ko. Bumalik na naman yung pagka-buysit ko sa kanya.Kahit sa pagtulog ang arte! Hindi ko alam kung anong facial expression meron ako ngayon. Sigurado akong mukhang pang demonyo.

[ Nate's POV ]

 Nairita talaga ako nung maramdaman kong may sumusundot sa pisngi ko. Tinabig ko yung kumakalabit sa akin. Wait. May ibang tao bukod sa akin ? Idinilat ko nang dahan-dahan yung mata ko. May mukha na nasa harap ng mukha ko. Nakadukwang sa akin. Dali-dali akong bumangon.

BOOGSH

At ang resulta, nagkabanggaan kami ng ulo.

'' Aray! "

" Ouch! '' magkasabay na sabi namin.

Napahawak ako sa noo ko. Bali nauntog ako sa baba nung girl at nauntog siya sa baba ko. Sino ba namang tanga yun ?

" Hey! You! What are you doing here?! " tawag ko doon sa babae. Nakatalikod kasi siya sa akin kaya hindi ko makita yung mukha niya.

" Anong ginagawa ko sayo ha?! At kailan pa pinagbawal na pumunta dito ha?! Dahil sayo absent tuloy ako ! Ikaw ang partner ko sa lab.'' humarap siya sa akin.

Hahahaha! Takteng mukha yan! Nanlilisik yung mata niya tapos maluha-luha pa. Ang pinakanakakatawa, may mala bundok siyang bukol sa noo. Hahaha!

'' Hahaha! " humagalpak ako nang tawa.

Nag-iba naman yung expression nung mukha ni whitelady. Tapos parang natatawa siya.

" Hahahaha! Nate! Nakita mo na ba yung mukha mo ? Mukha kang kambing! Bagay sayo! Mukhang may patutubong sungay sa noo mo. " tapos pinagpapalo niya yung sahig nung rooftop. Humagalpak pa nang tawa.

She's Scary ( completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon