SS 18 : Laughingstock

4.8K 110 0
                                    

A/N : Dedicated to I_am_Andrea. Enjoy Reading.

----------------------------------------------------------------------------------------

WRITTEN BY : PINKANIMEKAWAII

SS 18 : Laughingstock

[ Krizzia's POV ]

" Hoy bestfriend ! Magkwento ka nga sa akin. Kagabi daw, nasa inyo si Nate. " hay naku ! Nabubuysit ako tuwing naririnig ko yung pangalan ni Nate !

" Hindi ah ! Naku ! S-sino namang nagsabi sayo niyan ? " nag stutter pa ako.

Tinignan niya ako nang makahulugan. Alam niya kung nagsisinungaling ako o hindi. Simula bata pa lang kasi kami, magkasama na kami.

" Hoy ! Kung magsisinungaling ka sa akin, ayus-ayusin mo friend ! Dahil pag nalaman kong totoo yun, may sabunot ka na sa akin, itatapon pa kita sa Ilog Pasig. " ang sama talaga nang tingin niya sa akin. Bakit ba napaka sadista ng bestfriend ko ?

" H-hahaha ! H-hindi ako nagsisinungaling. W-wag mo akong itapon sa Ilog Pasig ah. " nag puppy eyes pa ako.

" Sabi na nga ba ! Tigil-tigilan mo yang pagpa-puppy eyes mo. Dudukutin ko yang mata mo ! Nagsisinungaling ka sa akin ! Bestfriend mo ako Krizzia ! " buysit na buysit na sabi niya sa akin. Parang gusto na niya akong ihampas sa may lamesa.

Natatakot na talaga ako. Pag ganito yung bestfriend ko, gusto ko nang pumunta sa france at tumalon sa eiffel tower.

" Better start talking ! " she ordered me.

" Eh, kasi......kagabi.......ano......ano........ " pwede ba wag ko na lang sabihin ?

" Liwanagin mo naman ! " hinampas pa niya yung lamesa. Napatingin naman sa amin yung mga estudyante na kumakain sa cafeteria.

" Oo na... " yumuko ako.

Kinuwento ko kay Hana. Sinabi ko rin sa kanya na kailangan naming mag kunyaring mag bedscene. Ayun ang loka ! Totohanin ko na daw ! Sayang daw si Nate. May lahi daw eh.

Nung sinabi ko sa kanya na nakita kami nung lolo ni Nate, ayun, tinoyo at tumawa nang tumawa. Sobrang OA talaga niya. Pinaghahampas niya pa yung lamesa na pinagkakainan namin.

" Bhessie ! Gravity ! Bongga ka ! " yung kaninang dark athmosphere, nawala na. Buti na lang tumawa siya.

" Hahaha ! " nakitawa na lang rin ako.

She's Scary ( completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon