SS 13 : Public Announcement

5.5K 122 6
                                    

A/N : Dedicated to AgentBlue143

-------------------------------------------------------------------

WRITTEN BY : PINKANIMEKAWAII

SS 13 : Public Announcement

[ Nate's POV ]

Pinatawag ko lahat nang estudyante sa school namin at pinapunta ko sa auditorium. Lahat naman sila pumunta. Kanina pa kami naghihintay dito pero hindi pa rin dumadating yung white lady na yun. Mag-iisang oras na kami dito.

Pinakiusapan lang ako nung kapatid ni white lady na gumawa ako nang paraan para tigilan na si white lady nang mga fan girls ko at pati na rin si Maui. Sana nga umubra ito. Pero ito, kami pa ang pinaghintay. Lagot talaga siya sa akin !

Nalaman ko rin na nalaglag na naman sa hagdan yung white lady na yun. Bakit ba kasi ang malas-malas niya ? Wala yatang araw na hindi nadidisgrasya yung babaeng yun.

[ Krizzia's POV ]

" Mama....masakit yung ulo ko...hindi ako papasok.." sabi ko kay mama habang pinapatamlay ko yung mukha ko. Hinawakan ko pa yung ulo ko para kunyari masakit yung ulo ko.

" Aba ! Gusto mong hampasin kita nang sandok ?! Tigil-tigilan mo kaka drama mo ! " nakapameywang pa si Mama sa akin.

" Hindi ba kayo naaawa sa akin ? May sakit ako...." sabi ko sa kanya. Paawa effect. 

" Ikaw talagang bata ka !!! " papalapit na siya sa akin at may hawak nang sandok. Nasa kusina kasi kami.

" Ay hindi na ! Whooo ! Anlakas ko na ! Papasok na ako ! " tumalon-talon pa ako. Gravity talaga ! Kahit kailan hindi naniwala sa akin si mudra. Magaling kasi akong magdrama. Ginawa ko na kasi ito dati. Sabi ko maysakit ako, pero naglakwatsa lang kami ni Hana. Pagkauwi ko nun, boogie wonderland ang inabot nang beauty ko.

Nagpakahirap pa akong mag make up. Nilagyan ko nang concealer yung bibig ko para magmukha akong may sakit. Tapos hindi naman siya naniwala. Aisssh...Kung yung teacher ko siguro maniniwala pa yun. Ginagawa ko rin ito kapag wala akong assignment. Minsan naghihimatay-himatayan ako. Bwahahaha ! Ang ganda ko talaga !

Pumasok na ako nang banyo at naligo. Pagkatapos kong magbihis, sumibat na ako papaalis nang bahay namin.

~~~FASTFORWARD~~~

Malapit na ako sa school, binilisan ko yung takbo ko. Ten minutes na lang, ma le late na ako sa third subject namin. Dahil sa bilis nang takbo ko, hindi na ako nakahinto nung may sumulpot na mga lalaki sa kung saan.

~~~BLAAAG~~~~

Idinilat ko yung mata ko. Nadaganan ko yung lalaki. Infairness, ang gwapo niya. Krizzia ! Lumalandi ka na naman ! Male-late na ang beauty mo !  Kamukha niya yung crush ko dati na ni reject ako nung nag confess ako sa kanya. Sumpain ang alaalang iyon ! Tumayo ako kaagad na parang walang nangyari. Tumayo din yung lalakeng nadaganan ko.

( A/N : Ayun sa gilid yung picture nung crush ni Krizzia dati. At yan din yung lalaking nakabanggaan niya. )---------->>> 

Maglalakad na sana ako pero bigla akong pinigilan nung lalaki. Pinihit niya ako papaharap sa kanya. Ay ! Chosera ! Na inlove na ba siya sa akin ? 

" I think I know you..." ito yung linya na sinabi sa akin ni Nate eh. Parang gusto ko tuloy sapakin itong kaharap ko ngayon.

" Ay sorry ! Hindi kita kilala. Kailangan ko nang umalis kung hindi mapapatayo ako sa labas nang room namin na naka hands up. " kumaripas ako nang takbo papunta sa classroom namin.

Nung makarating ako, walang katao-tao. Bakit walang tao ? Suspended ba ang klase ? Wala namang bagyo ah. Palagi na lang akong huli sa balita.

" Sisteret ! " narinig kong sigaw ni Potchi.

" Nasaan yung mga schoolmate natin ? Bakit walang katao-tao ? " imbis na sagutin niya ako, hinila niya ako papunta sa auditorium nang school.

Pagkarating namin doon. Hinila naman ako ni Nate papunta sa pinakaharap. Ano na naman bang pasabog nitong lalaking ito ?

" Pag may umaway pa sa girlfriend ko, malalagot kayo sa akin ! Naiintindihan niyo ?! Tandaan niyo itong mukhang ito ! Hinding-hindi niyo makakalimutan yan ! Nag-iisa lang sa mundo yung mukhang yan ! " gravity ! Napa flatter naman ako doon.

" Mukhang multo ! Yan ang trademark niyan ! " impaktoooooo  ka talaga Nate ! Akala ko pa naman pinupuri niya ako, pero dudugtungan niya pa nang mukhang multo ! Buysit siya !

" Bwahahahaha ! " tawa nang tawa si Maui. Ang sarap hampasin ! Kalbuhin na pala 

Umalis na si Nate nang auditorium at naiwan akong nakatanga sa harapan nang lahat nang schoolmate ko. Halos lahat tumatawa. Nung makabawi ako, lumayas ako sa auditorium.

" Sister ! Ok ka lang ba ? " nagtanong pa siya. Mukha ba akong okay ?

Lumapit naman sa akin si Hana at niyakap niya ako. Gusto ko na ngang umiyak eh. Pagkatapos nung announcement ni Nate, nagsipasukan na ang mga estudyante sa bawat klase nila.

Tahimik lang ako nang buong araw na yun. Tapos na naman na siguro yung pamba-blackmail sa akin ni Nate. Ni hindi nga niya ako kinausap eh. Natapos yung araw na sobrang lungkot ko. Hindi ko alam kung bakit...

----------------------------------------------------------------------

A/N : Ok lang ba ? Comment and vote na lang kayo kung nagustuhan niyo.

She's Scary ( completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon