Chapter One

173 3 0
                                    

CHAPTER ONE

ISA-ISANG binato ni Marie sa labas ang gamit ng boyfriend niyang si Creos. Wala siyang itinira miski isa sa mga gamit nito. Wala na rin siya pakialam kung masira ang mga iyon dahil kulang pang ganti iyon sa mga ginawa nito sa kanya. Huling-huli niya ito na may kaulayaw na iba ngunit napili pa na magsinungaling kahit nahuli na.

"Mag-usap nga tayo Marie! Sandali at huwag ka bato ng bato ng mga gamit ko." Iyon ang malakas na sabi ni Creos kay Marie pero pinili niyang huwag ito pakinggan. "Marie!"

"Wala tayong pag-uusapan. Umalis ka na dahil tapos na tayong dalawa!" sigaw niya sa lalaki at tila walang pakialam kahit marinig siya ng mga kapitbahay niya. "Siraulo ka! Ipinagtanggol kita sa mga magulang ko, pinili kita kaysa sa mga Kuya ko tapos ipagpapalit mo lang lahat. Hindi ka pa nahiya at ginawa mo pa sa harap ng anak mo!"

"Kukunin ko ang anak ko," deklara nito sa kanya.

"Kung magagawa mo. Nakalimutan mo yata kung saang pamilya ako nabibilang. We're still a Dominguez - me and Kreya."

Hindi naman sila kasal ni Creos at Dominguez ang apelyidong ipinalagay niya sa birth certificate ng anak na si Kreya na sampung taong gulang na ngayon. Senyales na rin na maituturing ang pagkakamali niyang iyon sa birth certificate ng anak. Marie was done with Creos' wrongdoings. Naka-ilang pagbibigay na siya sa lalaki at nasagad na ngayon ang kanyang pasensya matapos ang anak na nila mismo ang nakahuli dito.

"Hindi mo kaya na mag-isa!"

"Kaya ko!"

Isinara niya ang pinto pagkatapos sigawan ito pabalik. Sumandal siya sa dahon noon saka dahan-dahang dumausdos paupo sa sahig. Totoo namang kaya niya lahat lalo't may maganda naman siyang trabaho bilang doktor sa lokal na ospital. May ipon siya para buhayin ang kanyang anak at maaari siyang bumalik sa bahay ng mga magulang niya.

Ngunit panghuli na iyon sa mga pagpipiliian niya. Umalis siya sa poder ng mga magulang niya matapos niya mabuntis habang nag-aaral sampung taon na nakalilipas. Maayos naman ang relasyon niya sa kanyang pamilya at suportado nito lahat ng kanyang gawin.

Isa lang naman ang tinutulan ng mga ito at iyon ay pakikisama niya kay Creos. Ang tanga niya na hindi pinaniwalaan ang mga kapatid noon. Nasabi na ng mga ito ang tungkol sa kabulastugan ng kanyang dating kasintahan pero nanatili siyang bulag. At ngayon lang namulat sa katotohanan na kinailangan pa masaksihan ng kanyang anak ang kabulastugan ng tatay nito.

"Mommy. . ." tawag na nagpahinto kay Marie sa pag-iyak. Pinahiran niya ang hilam na luhang naglandas sa kanyang pisngi. "Are you okay?"

Tumango si Marie saka pinalapit sa kanya ang anak. Niyakap niya ito saka hinalikan sa noo ng ilang ulit. "Huwag mo masyado isipin itong mga nangyayari ha. Lahat gagawin ni Mommy para maibigay ang gusto mo."

"I'm fine with just you and me, Mommy. Besides, Mamala, Papalo and my uncles are there for us. I actually called them po." Hindi naman niya mababawi ang ginawa ng anak kahit ayaw sana niya ipaalam muna sa pamilya ang nangyari. "I'm sorry, Mommy,"

"It's okay, baby. Help me clean up our place before they arrive." Hinalikan ni Marie ang noo ni Kreya ulit bago hinayaan na tulungan siya nito.

Inulit-ulit niya sa isipan na kaya niya ang lahat kahit walang partner na sakit lamang sa kanyang ulo.

Mas mabuti pa talagang mag-isa, aniya sa kanyang isipan sa huminga nang malalim.

~•~•~

"MAGSABI ka lang ng mga kailangan niyo ni Kreya. Kung kailangan niyo lumipat ng lugar, may condo naman na sa 'yo nakapangalan, Mariestelle. Gamitin mo na iyon para hindi nakatengga lang."

Reaching Mr. SuperstarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon