Chapter Four

54 4 2
                                    

CHAPTER FOUR

IKAW ang gusto ko makita paglabas ko ng OR at mag date tayo paglabas ko dito. . .

Hanggang sa mga oras na ito, nasa isip pa rin ni Marie ang pabor na hiniling ni Niel sa kanya. Akala niya kapag binalewala niya'y mawawala na rin pero nagkamali siya. Napapatanong siya sa kanyang sarili kung saan ba nahugot ng lakas ng loob ang binata para sabihin iyon sa kanya. At ano ba ang nakita nito sa kanya?

After her break up with Creos, hindi na nga masyadong napagtuunan ang sarili dahil nalulong siya sa pagta-trabaho. Isama pa doon ang pag gabay niya kay Kreya na kahit pilitin niya huwag magalit kay Creos ay nanatiling masama ang loob nito sa dati niyang kasintahan.

Ang sabi ni Jethro, kasalanan naman ni Creos kaya sumama ang loob ng anak nila. Pinayuhan din siya ng kaibigan huwag pilitin si Kreya kung ayaw talaga nito na makausap ang ama.

Let time heal all wounds even the deep once, as per her friend.

“Mommy, are you okay?” Tumingin siya sa kanyang anak at saka ngumiti.

“Yes, I am. Ubusin mo na ito at darating na ang Papalo mo para sunduin ka.”

Inilapit niya ang tray ng pagkain sa anak na agad naman nitong pinagtuunan ng pansin. Nalipat ang atensyon niya sa cell phone na pinasukan ng mga mensaheng galing kay Creos. Pangatlong beses na itong nagtext sa kanya at isa lang ang sinasabi nito. Iyon ay gusto nitong makita si Kreya na ayaw naman ng kanilang anak na mangyari. Marie's ex-partner was assuming she's brainwashing the kid to hate him even more.

Huminga siya nang malalim bago binasa ang text message na galing sa kanyang tatay na nasa premises na ng ospital. Sakto lang pala ang dating nito dahil patapos na rin kumain si Kreya. Sinamahan siya nito na gawin ang kanyang trabaho at nakipaglaro din sa kanyang mga pasyente na parang kapatid na nito kung ituring. Another text message came in it's from Creos saying he wanted to see her.

Muli siyang malalim na huminga saka sinuksok na ang cell phone sa bulsa ng suot niyang doctor's coat.

Pagkatapos kumain ng anak niya, hinatid niya ito sa entrance at hinabilin na sa kanyang tatay. Sinabi niya rin dito na kikitain niya nga si Creos na ayaw nitong payagan noong una. Matapos ang mahabang paliwanagan, nakumbinsi niya rin ang ama kaya pagka-alis nito ay dumiretso na siya sa cafeteria kung saan naroon si Creos.

“Sabihin mo na kung ano'ng pakay mo rito. Marami pa ako gagawin kaya hindi puwedeng magtagal.” Mahabang salita niya matapos itong lapitan. Hindi na siya nag-abala na maupo kaya lumingon na lang ito sa kanya.

“Uunahin mo pa ang trabaho kaysa makipag-usap sa akin?” tanong ni Creos sa kanya.

Mabuti at wala gaanong tao sa cafeteria ngayon kaya puwede itong umasta ng gano'n. Pero kung sa ibang mata, hindi puwede dahil nakakahiya pa rin sa iba.

“Hindi na nga tayo, nagrereklamo ka pa rin na inuuna ko ang trabaho.”

“Kaya tayo nagka-ganito dahil diyan sa ugali mo.” Ako pa ang sinisi ng kolokoy na 'to. Nakalimutan niya yata na siya ang dahilan bakit nasira ang relasyon namin, mahaba niyang sambit sa isipan.

“Walang mali sa ugali ko, Creos. Sinasabi mo lang iyan para isisi sa akin ang lahat.”

Narinig niya ang malakas na buntong-hininga ni Creos bago nagsalita.

“Huwag na tayo mag-away para matapos na ito,” umirap siya saka naupo na sa bakanteng upuan sa harap nito. “Ayusin natin ang lahat, Marie.”

Doon siya ulit napatayo at aktong aalis na ngunit napigilan siya nito.

“Wala na tayo pag-uusapan. Doon ka na sa babaeng sinama mo sa Tagaytay.”

“Wala na kami at ngayon ko lang iyon ginawa.” Ilang beses na ba niya narinig ang palusot nito? Kaya nga sila tumagal dahil pulos ang pagbibigay niya sa binata. “Hindi na importante kung ano nagawa ko. Ang mahalaga ay hindi ko na uulitin. Mahal na mahal kita, Marie.”

Reaching Mr. SuperstarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon