Chapter Five

51 6 0
                                    

CHAPTER FIVE

“BALITA ko single na ulit si Dra. Dominguez. Pagkakataon mo na, brad. Hindi ba't liligawan mo dapat siya noon kaso naunahan ka ng iba?”

The two guys in front of Niel were talking about Marie. Pero hindi niya gusto ang tabas ng mga dila ng dalawa lalo na ang kanyang naririnig. They're objectifying Marie which pissing him more.

Sa sobrang inis niya'y hindi na niya napigilang sumabat pa sa usapan ng dalawa. It was after the other guy called Marie a ‘segunda mano’ already because she has a daughter from his ex-partner.

Tumikhim muna si Niel bago nagsalita.

“Next time, before you objectify a woman, examine yourselves first.” Iyon lang sinabi niya saka umalis na dahil ayaw ni Niel na makasabay ang doktor na kasama kanina.

Mabuti at naka-wheelchair kasi kung hindi, malamang ay nasuntok na niya ang mga ito. It's hard for Niel to keep his cool. Lalo na kapag tungkol kay Marie sinusubukan niyang kilalanin sa pamamagitan ng pagtatanong sa nurse. At sa lahat ng napagtanungan niya, si Nurse Jethro ang higit na nakakakilala sa dalaga na suwerteng nasalubong niya.

“Hey Jet!” aniya sa binatang nars.

“Mr. Flores! Nakakatuwa na mabilis ka naka-recover kahit kaninang umaga ka lang na-operahan.” Kahit siya'y nagulat rin. Matapos mawala ng anesthesia sa kanyang sistema, nakakagala na siya ngayon. Kanina ay nagpatulong siya sa kanyang attending nurse niya na lumipat mula sa kama papunta sa wheelchair na kinaroroonan niya ngayon. “But you shouldn't tire yourself. Baka magalit ang mga doktor mo, Mr. Flores.”

“Where is Marie?”

“Marie. . . Oh! You mean Dra. Dominguez. Hindi ko alam nasa first name basis stage na pala kayong dalawa.” Natatawang salita ni Jet sa kanya. “Day off niya ngayon. But she'll be here later tonight. Night shift siya kaya at saglit lang naman mag-day off iyon.”

“I see.”

Hindi siya nito napagbigyan sa kanyang hiling na ito ang unang makita. Pero baka magbago na ang desisyon nito para susunod niyang hiling. Iyon ay ang maka-date ito kapag ayos na siya at nakakalakad na ulit.

“I'll bring you to your room now to rest, Mr. Flores.” Hindi na niya nagawang tutulan ang nars na ginagawa lang naman ang trabaho. “May tanong pala ako para sa 'yo,”

“What is it?”

“My friend. . . uhm, she's been through a lot lately. Other doctors and nurses here calling her names which she didn't deserve. Kung hindi ka naman seryoso sa mga pahaging mo, puwedeng huminto ka na kasi baka hindi na niya kayanin pa.”

“What happened?”

“It's not my story to tell. But as her concerned friend, I'm warning you now. Be kind to her and a little more patient because she's broken inside.” Ibinukas ni Jethro iyong pinto ng kanyang kwarto saka marahan tinulak papasok ang kanyang wheelchair. “Do you need help to get on the bed?”

“No. I'll stay here in my wheel chair for a while.”

“Okay. Nasa labas lang ang nga nars kapag may kailangan ka, tawag ka lang.”

“Thanks!” Aktong aalis na si Jethro ngunit huminto ng magsalita siya ulit. “I want to know her better, Jet.”

“It will be hard for someone like Marie. She loves to keep everything a secret until it all explode out of control.”

“A tough case then,”

“A real hard work.”

Malalim siyang napahugot ng hininga matapos marinig ang sinabi ni Jet bago ito lumabas ng kanyang kwarto at iwanan siya.

Reaching Mr. SuperstarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon