Chapter Twenty-Five

153 4 3
                                    

CHAPTER TWENTY-FIVE

Seven months later.

CHRISTMAS was fast approaching. Lahat ng tao ay abala na sa pamimili ng mga regalo, groceries at kung ano-ano pa. Pero si Marie ay heto at papasok pa rin sa kanyang trabaho. Inayos niya ang sarili pati na ang damit bago lumabas sa kwarto nila ni Niel.

Siniguro niya na hindi mahahalata ang kanyang tiyan kaya pumili siya ng maluwang na damit. Kulay itim din iyon para siguradong walang ibang makakahalata sa pagbabago sa kanyang katawan.

“Ma'am, tumawag po si Sir Creos. Tinatanong po niya kung ano'ng oras puwede ihatid si Kreya.” Tanong iyon ng kasambahay na may hawak na telepono.

Ang kasambahay ay pinadala ng nanay ni Niel para may katulong siya sa gawaing bahay. Ito pa lang ang may alam sa kalagayan niya at sinesikreto nila iyon kay Niel pati na kay Kreya.

“I'll talk to him,” aniya saka kinuha dito ang telepono. “Hello, Creos? Yeah, bring her home before dinner time. I'll be home by then,” sambit niya sa kabilang linya.

“Nagpapahinga ka pa ba? Pagod iyong tunog ng boses mo na naman.”

“I'm fine, Creos. Wala lang ibang doktor sa ospital ngayon kaya hindi pa ako makapag-day off.” That's the lamest alibi she said for the record. Siyempre may ibang doktor bukod sa kanya. Puwede siya magpahinga bilang may mga bagong hire naman ang ospital. “Bukas ang day-off ko kaya huwag ka na mag-alala at baka isumbong mo na naman ako kay Niel.”

Minsan hindi na niya alam kung sino ba sa kanila ni Creos ang asawa ni Niel. Kapag kasi may sumbong nakakarating dito, alam na ni Marie agad kung kanino iyon galing.

Malakas na tumawa si Creos mula sa kabilang linya. “Hindi kita isusumbong. Pareho na kayo ni Chloe na lagi iyan ang bukambibig.”

“Good. Basta before dinner mo ihatid si Kreya. Dadalaw ang biyenan ko at sasabay sa amin kumain.”

“All right. Be safe, Marie.”

“You too, especially when driving.”

Iyon lang at natapos na ang pag-uusap nilang dalawa. Dinig na dinig pa niya ang pagtawa ni Creos ng paalalahan ito na mag-ingat sa pagmamaneho. Ayaw na kasi niya maulit iyong dati at suwerte pa ito dahil nakaligtas noon.

Huminga siya nang malalim at kumilos na bago pa mahuli sa kanyang trabaho. Ginamit niya ang bagong sasakyan ni Niel na nabili ng kanyang asawa noong nakaraan. Hindi pa nakakabalik si Niel mula sa tour nito. Pero ang pangako nito sa kanya na uuwi bago mag-Pasko ang pinanghahawakan niya.

Muli siyang huminga nang malalim. “Bear with me, my little pulp. Soon we will see your father. Malapit na siya umuwi.” Marie released another sigh before driving out of their driveway.

Kailan lang nang malaman ni Marie ang tungkol sa pagbubuntis niya. Nang kumausap naman siya ng doktor, sinabi nito na healthy silang mag-ina at wala rin gaanong restrictions na ibinigay sa kanya. She almost enter her second trimester now.

Naisip kasi niya na baka maging delikado na dahil sa kanyang edad. Pero sa isip lang pala niya ang lahat. Ngunit bilang isang doktor, alam naman niya ang maaaring mangyari. Kapag hindi niya sinamahan ng pag-i-ingat ang kanyang pagbubuntis, alam niyang maaaring mawala ang dinadala.

Marie heaved another sigh as she continue driving towards her workplace. . .

~•~•~

NAKAKUNOT ang noo ni Niel matapos ilapag ang cell phone sa center table ng hotel na kinaroroonan niya. Iyon ang ekspresyon sa kanyang mukha na naabutan ni Kristoff at natatawa pa ito na naupo sa pang-isahan na couch.

Reaching Mr. SuperstarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon