Chapter Seventeen

28 4 0
                                    

CHAPTER SEVENTEEN

"NIEL. . . magpapaliwanag muna ako. Pakinggan mo naman muna ako. . ."

Pinalis niya ang kamay ni Ellora na kasunod lamang niya pumasok sa loob ng kanyang bahay. Nakasunod dito ang auntie niya, si Kristoff at kanyang mga magulang. Reunion na rin matatawag na ayaw ni Niel mangyari pero wala siya nagawa sa bandang huli.

"Hindi. You could've told right there that it isn't mine!" Binalingan niya ang tiyahin matapos iyon sabihin kay Ellora. "Why do you have to say those things to Marie?" tanong niya sa tiyahin.

Hindi nakasagot ang tiyahin habang ang kanyang mga magulang kasama na si Kristoff ay nanatiling tahimik.

"Forget about the reunion." Salita niya sa lahat at tinalikuran na ang mga ito saka umalis. Hindi siya makakatagal sa isang kasama ang mga ito kaya minabuti niyang umalis na lang. Kailangan niya rin makausap si Marie na alam niyang nasa ospital pa hanggang sa mga oras na 'to.

Nakarating sa kanya ang balita galing kay Jethro na isa sa mga nars na umasikaso kay Ellora sa ospital. Jethro confirmed Ellora's pregnancy but it wasn't her.

After the accident he went through because of Ellora, Niel stopped whatever private connection they had before. Magkatrabaho na lamang sila dahil ito ang incharge sa make up at wardrobe ng buong banda. At pulos trabaho lang din ang usapan nila kung minsan.

Niel cleared to Marie that Ellora wasn't a threat to their relationship. That she's just a colleague and his auntie just assumed things between them to proved an impossible point.

Kagagaling lang niya sa bakasyon tapos gano'ng problema na agad ang bumungad sa kanya sa simula pa lang ng linggo. Bukod pa iyong mga pagod niya sa kaliwa't-kang meeting kanina kasama nina Kristoff. Mas napagod pa siya sa gulong ginawa ni Ellora at ng tiyahin niya kumpara sa trababong ginawa.

"Niel. . ." tawag na pumigil sa kanya sa pagsakay sa sasakyan.

"Kung kakampihan niyo lang si Auntie, 'Ma -"

"She's wrong and I'm not going to tolerate that. Kakausapin ko siya mamaya para lang maayos ito." Iyon ang paniniguro sa kanya ng ina. "Drive safely, hm?"

"Mama. . ."

"Dalhin mo pa rin iyang girlfriend mo dito para makilala namin ng tatay mo."

"Her name is Marie. Mariestelle Dominguez."

Ngumiti ang nanay niya. "Apelyido pa lang kilalang bigatin na. Pero hindi naman kita pakikialaman sa desisyon. Gusto ko lang masiguro na masaya ka."

"I am happy and you will like her. Do not listen to Auntie. She's overeacting some stories, making my life more complicated and impossible." Nilapitan niya ang ina saka hinawakan ang kamay nito. "You will like her. She's one a kind just like you."

"I'm looking forward to meet her then,"

"Kakausapin ko lang siya at aayusin itong gusot tapos mag-se-set ako ng araw para maipakilala siya sa inyo." Niel was hoping for no drama when that time come. Today's drama was enough and he's hoping to fix everything right away.

"O siya at umalis ka na. Mag-ingat ka sa pagmamaneho, Othniel. Sinasabi ko sa 'yo kapag na-ospital ka na naman dahil sa aksidente ay bibigyan na kita ng driver."

Tumawa siya saka humalik sa pisngi ng ina bago sumakay sa kanyang sasakyan. Kumaway pa ito noong bumusina siya at inabangan na makalabas siya sa garahe bago pumasok sa bahay nila.

"The subscriber cannot be reach. Please try your call later." Beep. "The subscriber cannot -" Tinigilan niya ang pagtawag sa numero ni Marie at patuloy na minaneobra ang sasakyan patungo sa condominium unit nito. Niel and Marie need to talk and sort things out.

Reaching Mr. SuperstarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon