Chapter Thirteen

38 5 0
                                    

CHAPTER THIRTEEN

DECIDING to date was hard for Marie. Ilang buwan pa lang naman kasi ang nakalipas magmula ng palayasin niya si Creos. Pero ilang araw lang ay may iba na itong kinakasama. At may panibago na naman ulit ngayon kaya napagtanto niya na tama lang ang ginawang pakikipaghiwalay dito.

But her wasn't the real problem now.

Ang problema niya ay paano makikipag-date ulit at sa mas bata pa ng sampung taon sa kanya! Dapat ba niya i-entertain si Niel?

Isa lamang iyon sa mga tanong na hindi pa niya masagot kaya heto siya't sa dorm ni Jethro dumiretso pagkagaling sa spa center.

“Jet,” bungad niya sa kaibigan na naabutan niyang palabas ng dorm nito.

“Why are you here again?” tanong nito sa kanya.

“Kailangan ko ng tulong mo,” tugon niya saka hinila ito papasok ng dorm nito uli. “Wait. . . are you going somewhere? Hindi ba't day-off mo ngayon? O nagbago na ba ang routine ng mga nurse sa ospital.”

“Girl, five or six days ka pa lang hindi pumapasok sa ospital. Ano ba ang pinagkaka-abalahan mo nitong mga nakaraang araw?”

“Well, asidw from makeover and me time, I'm going on a date.”

“No way! With whom?”

“Niel.” Nakita niya ang panlalaki ng mga ni Jethro matapos niya mabanggit ang pangalan ng binata. “Hindi pa ako nagsasabi na payag akong lumabas kami. Kaya ako narito kasi dahil doon ang itatanong ko sa 'yo.”

“Kung okay lang ba na pumayag ka sa alok niya sa 'yo?” Dahan-dahan siya tumango bilang tugon. “Of course, girl. Iintindihin mo pa ba iyong sasabihin ng iba kaysa sa tinitibok ng puso mo?”

“Wala pa naman doon, Jet!”

“Doon din papunta iyon, Marie. Pero para sa akin, wala naman masama kung lalabas ka kasama ng ibang lalaki. You're a single now.”

“With a ten year old daughter, Jet.” Sumimangot ang kanyang kaibigan. “Totoo naman ang sinasabi ko. Heto nga't problema ko pa ang mga ari-arian namin ni Creos kahit refrigerator at couch lang ang ambag niya sa labindalawang taon naming pagsasama.”

Common husband na niya si Creos dahil lampas sampung taon na silang live-in. May hati pa rin si Creos sa mga gamit na binili nila pareho dahil nagbigay naman ito sa kanya dati. Pero magmula ng manamlay ang relasyon nila na hindi alam ni Marie kung kailan nagsimula, siya na ang naging breadwinner sa pamilya nila.

Ang sabi ng Kuya Santi niya, iyong mga gamit lang na binili nila pareho ang hahatiin. That include the house where she lived with Kreya. Inaalok siya ng mga magulang niya na magpatayo na lang ng bahay sa lupang pinamana ng mga ito sa kanya.

Again, it's not the reason why she visited Jethro today.

“Magaling naman ang kapatid mo. Kita mo pati sarili niyang problema sa kasal ay naayos niya. Tiyak na 'di ka mamomoblema, Marie.”

May point naman si Jethro. Hindi din naman siya hinahayaan na mamoblema ng kanyang pamilya. Kahit nga si Kreya na panay ang pag-alis para makapag-me time siya kahit paano.

“Pero iba ang problema ko talaga,” aniya sa kaibigan.

“Hindi naman problema iyon, Marie. You just need to allow yourself to be discovered by someone else. Alam ko na matagal ka natali sa isang relasyon at may takot pa diyan sa puso mo pero hindi mo naman sasagutin agad. First date pa lang, girl, and you don't need to impress Niel. You are enough just the way you are right now.”

Yumakap siya sa kaibigan pagkarinig sa sinabi nito na talaga namang naka-boost ng kanyang confidence. It was still there and never left her. Nagpahinga pero hindi naman nawala dahil na rin sa mga taong lagi nagsasabi na sapat na siya.

Reaching Mr. SuperstarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon