Chapter Fifteen

44 5 0
                                    

CHAPTER FIFTEEN

“HOW long are you going to stay here, Marie?”

Iyon ang tanong ni Niel sa kanya saka inakbay ang isang kamay sa kanyang balikat. Kasalukuyang silang nasa couch ngayon at kumakain ng ice cream na natira kanina. Kreya requested it while doing her homework with Niel which fasten their session. Kanina lang niya napagtanto na papasa pa lang Math teacher itong si Niel kung sakali na hindi pagiging singer ang napiling tahakin na landas.

“Hangga't hindi pa tapos iyong pinagagawa ko na bahay para sa aming mag-ina. I used my parents' land gift before at ongoing na nga ang construction doon ngayon.”

“What about the old house where you. . .”

“That's for sale now. Iyong mapagbebentahan hahatiin namin ni Creos since we live together for almost thirteen years.”

“Common law husband mo siya,”

“Yes but that's the last of the things I have to deal with him. Kapag nabenta na iyon magkakanya-kanya na kami. Although iyon na ang ginagawa namin ngayon. We literally want stay out of each others life.”

“Bakit parang ikaw lang ang nagawa noon?” Kumunot ang noo ni Marie pagkarinig sa sinabi ni Niel sa kanya. Kinuha niya ang cell phone at tiningnan ang nakita nito na siyang dahilan ng tanong na ipinukol sa kanya. “He's not gonna stop until you gave back his sports car.”

Napabuga siya ng hangin matapos ibalik kay Niel ang cell phone nito.

“I'll call Kuya na lang bukas para kausapin iyan.” Ngumiti si Niel at matamang nilapag ang ice cream pint na hawak bago siya binalingan. “What? Hindi ka pa ba uuwi, Othniel Flores?”

“You said I can stay here a while ago.”

“Kreya's assignment is done and you have an another schedule to attend tomorrow.”

“Hindi ba ako puwede dito kahit hanggang alas kuwatro ng madaling araw?” Tumawa siya  pagkarinig sa tanong nito. “And I want to know why did you gave him a sports car?”

“Because he's working so hard before, proving to me that he could support me. Tingin ko naman deserve niya iyon kaya imbis na ilaan ko sa panganganak ko iyong naipon ko, I bought him a car. Then, when I stopped accepting allowance from my parents, he suddenly changed. Sa iba na pala niya ginagamit ang sasakyan na dati'y eksklusibo sa akin lamang.”

Naging bonding na nila ni Niel na pag-usapan ang kani-kanilang nakaraan. On the contrary, Niel have told her about the situationship he had with Ellora and why the car accident occured. The same car accident which led him to her.

“You're a giver.”

“We both are, Niel.” Tumawa siya nang malakas na agad naman niya sinaway. “Baka magising si Kreya. Come on, let's go out at the veranda.”

“I'll get us something to drink first,” anito saka iniwan siya at tumungo na sa kitchen.

Si Marie naman ay lumabas na at hindi niya maiwasang mapangiti nang makita ang city lights. Iyon ang maganda sa mga high rise condominium pero kung siya ang papipiliin, mas gusto niya pa rin ang bahay na gaya ng meron sa ang kanyang mga magulang. Iyon may malawak na garden kung saan puwede siya maglaro kasama si Kreya.

Sa pinapagawa niyang bahay, gano'n ang disenyo na sinabi niya sa mga arkitekto at inhinyero. Marie involved in every decision making of the construction. Halos araw-araw na nga siya kung i-update ng mga inupahang tiga-gawa simula nang magsimula ang mga ito.

“Hey, it's cold here.” Marahang pinatong ni Niel sa mga balikat niya ang couch blanket na dala nito saka niyakap siya. “Apple flavor na lang sa 'yo.”

Reaching Mr. SuperstarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon