Chapter Ten

54 4 0
                                    

CHAPTER TEN

NGAYON ang unang araw na walang ibang gagawin si Marie kung 'di iyong mga regular na gawaing bahay. Gumising siya ng maaga para ipagluto ng almusal si Kreya at baon nito. Tapos sinunod niyang ginawa ay iyon paghahanda pampaligo ng anak pati na uniporme nito sa eskwela.

Pagkatapos ay inumpisahan na niya ang paglilinis ng kanyang kwarto at ginising na ang anak para makapag-almusal na.

“What's your schedule today, Mommy?” tanong ni Kreya sa kanya na nagpahinto sa kanya sa paghalo sa gatas na pinatimpla nito.

“Marami. Maglilinis ng bahay, mag-go-grocery pagkahatid sa 'yo sa school, magtitiklop ng sinampay na nilabhan ko kagabi.” Iyon ang mahaba niyang tugon. “Why did you ask?”

“Ate Froila can do all that, Mommy. Mamala sent her here to help you,” tugon ni Kreya sa kanya. Tila ba nagkapalit sila ng edad dalawa bigla ng kanyang anak. “Uncle Santi can drive me to school and he'll be here in thirty minutes.”

“Eh 'di susunduin kita sa school,”

“Uncle Wren can do that because he'll have a business meeting nearby.” Wala na natirang gawain para kay Marie dahil parang na-plano na ng anak niya ang lahat. “Go out. Have some time for yourself, Mommy. Tapos po sa weekend magkasama tayo pupunta sa resort ni Uncle Seb at Auntie Shalee.”

“Teka nga, sino ba ang nanay sa ating dalawa?” Tumawa lang si Kreya. “May pinaplano ka ba na ayaw mo sabihin sa akin?”

“Wala po.” Nakita niya na mabilis na kinuha ni Kreya ang cell phone na nakapatong sa lamesa.

“What did I say about phone inside the dining room?”

“I'm not holding any here.” Pinisil niya ang pisngi ng anak saka tinuloy na ang pagtitimpla ng kape. “Get a haircut, Mommy. Color your hair too. Ganito pong kulay!”

“Isn't that for kids of your age?”

“Bagay po sa 'yo iyon, promise!” Nagtataka na talaga siya sa anak niya. Para talagang may pina-plano ito na sinesikreto sa kanya. “Maliligo na po ako!”

“Do not run naman, anak!”

“Sorry!”

Huminga siya nang malalim at tiningnan ang kulay ng buhok na suhestyon ni Kreya sa kanya. Napaisip siya kung babagay ba iyon sa kanya o hindi dahil 'di na niya tanda kung kailan siya huli pumunta ng parlor. Nakalimutan na nga niya halos ang sarili dahil sa mga obligasyon na nagpatong-patong at pumuno sa kanyang plato.

Hindi niya nga alam paano mag-e-enjoy na mag-isa kaya baka hindi rin umubra ang sinasabi ng kanyang anak.

A time for herself was a luxury indeed. And it's a thing she didn't know how to do.

“Day 1 ng suspension mo ngayon?” tanong ng kapatid niyang si Santi na tiningnan ang sasakyan niyang hinatid kaninang madaling araw ng tow truck. “Mali na namang gas ang na-load mo dito, Marie. It's diesel, not unleaded, okay?”

“I forgot.” Nailing lamang ang kapatid niya. “Can I borrow one of your car?”

“Fine. Papupuntahin ko na lang si Larry dito para magawa itong sasakyan mo.”

“Thank you!”

“May gagawin ka na ba ngayon?”

“Kreya wanted me to have a time for myself, cut my hair, and put colors to it.”

Santi chuckled. “Just don't put bangs sis. Although it suits you,”

“I am not your ex-wife, Santi. Ate Jochelle is good with it and I like her look today. Hindi ka ba na-in love ulit?”

Reaching Mr. SuperstarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon