Chapter Nineteen

35 4 0
                                    

CHAPTER NINETEEN

KABADO, iyon si Marie ngayon habang nakaupo sa tabi ni Niel. They're inside the business class section of an aircraft heading to  Lapu-Lapu, Cebu.

Ngayon lang niya nalaman sa hometown pala ng tatay ni Niel gaganapin iyong reunion ng mga ito. Kaya hindi sila-sila lang ang mga kasali sa nasabing reunion at sa tantiya ni Marie ay mas marami na ngayon. Hindi niya tuloy maiwasang kabahan kahit ilang beses na siya sinabihan ni Niel na huwag masyadong mag-alala.

"Mommy, how long our flight will be?" tanong ni Kreya na nasa kanyang tabi. Nilingon niya ito saka ngumiti at inayos ang suot nitong damit. Kreya was wearing a dress and her hair was neatly ponytailed.

"We will be down in twenty. Fix yourself up, Kreya. If you needed to go the bathroom, just tell me or. . . him."

Binalingan niya si Niel na nasa kabilang upuan at nagpapanggap na tulog. They weren't on the speaking terms since Niel ambushed her by not telling about the location of his family reunion. Jethro said that she should stopped acting so offended by it. Nakalimutan lang daw nito na magsabi dahil na rin sa pagiging abala at iyon nga ang eksaktong sinabi ni Niel sa kanya.

An explanation which she didn't buy and now they weren't talking.

"Are you two fighting?" tanong ni Kreya sa kanila. Nasa gitna nila ito kaya kahit magsinungaling silang dalawa ay hindi pa rin makakalusot. "Mommy?" Hindi siya kumibo kahit sa kanya nakatingin ang kanyang anak.

"I'll go and ask for drinks," paalam ni Niel saka nag-alis ito ng seatbelt at tumayo na.

Walang ideya si Marie kung anong inumin ang hihingin nito. Tahimik na lang siya nagdasal na huwag sana iyong nakakalasing dahil iiwan niya talaga ito. Marie and Kreya could stay at her Auntie Cali's house in Cordova.

Naplano na niya ang lahat sakaling lumalala ang tampo niya sa binata. Lalo't wala naman itong ginagawa na kahit ano para lang lambingin siya o mag-sorry sa kanya.

Huminga siya nang malalim at nilingon si Niel nakabalik na mula sa banyo. Pagka-upo nito'y saka nag-announce ang PA na malapit na sila mag-land sa Mactan International Airport.

"Niel, can we switch seats? I want to stay beside the window."

Hindi kumibo si Niel at mabilis lang sila nagpalit ni Kreya. Now, he's sitting beside her while Kreya was enjoying the window side seat all by herself.

"Marie, I'm sorry, hmm? Biglaan lang din iyong desisyon at nawala talaga sa isip ko na sabihan ka."

"We're always together, Niel. Sa condo ka na nga natutulog lagi. So, how come you forgot to relayed this news?" Inirapan niya ang binata pero hindi na nagawang palisin ang pagkakahawak nito sa kanyang kamay. "Baka pagdating doon ay may surprise na naman na para sa akin."

"There's no other surprise you'll get, love. Si Papa ang nag-request nito dahil binawalan siya muna bumiyahe ng doktor niya." Mabilis niyang binalingan si Niel pagkarinig sa sinabi nito. "He's blood pressure weren't stable the past few days. Kaya kahit ayaw ni Mama na isama ang bagong partner ni Papa sa reunion, wala siyang magawa. Idagdag pa na nangingialam si Auntie at hindi talaga nakakatulong."

Another thing he missed told her. Hindi na niya ginawang isyu pa dahil ayaw na rin niya lumaki ang pagtatalo nila.

"I'm sorry din," mahina niyang sambit. "Puwede bang sa susunod wala na makakaligtaan sabihin. This isn't me acting like a child, Niel. Let me into your life, hmm? Let us in." Nagsalit ang tingin nito sa kanila ni Kreya bago tumango at inangat kamay niya upang halikan ang likod noon. "Mas lalo akong kinakabahan ngayon dahil mas marami yata kayo kaysa sa pamilya namin. And I'm not as charming as you."

Reaching Mr. SuperstarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon