Chapter Eight

52 4 0
                                    

CHAPTER EIGHT

“WHOA! Ang dami nitong pagkain, Niel.” Hindi makapaniwala si Marie sa mga pagkain na dala ni Niel para sa kanilang tanghalian. It was more than for two. Pakiramdam niya'y kahit magtulong sila'y hindi pa rin nila mauubos ang mga iyon. “Are you trying to feed the whole hospital?”

Umiling lamang ang binata bilang tugon sa kanya. Umubo ito kaya medyo kinabahan si Marie. But not because he's carrying a virus or what. She's been coughed and vomitted before. Ibang usapan pa noong resident pa lamang siya dahil pang out of this world ang sitwasyon sa emergency department lagi.

Iba kasi ang dating ng ubo ni Niel sa kanya at bilang doktor gumagana ang instinct niya na may hindi tama sa binata ngayon.

“I. . . d-don't know what you like to eat s-so I decided to cooked everything that could get into you.” Malakas ulit na umubo ito kaya mabilis siya nagbukas ng tubig para iabot dito. “I'm sorry. I d-don't have any virus or what.”

“Are you okay?” tanong niya dito.

“Y-yeah. . .” Muli itong umubo at pagkakataon na iyon ay may dugo na kasama. Napatingin sa kanya ang binata saka muling binalingan ang kamay nito.

“Niel?” Lumingon siya sa may pinto nang may marinig na boses. “I need help here! Can someone out there help us?” sigaw niya.

“Marie? Oh. . .” It was Jethro.

“Help me, Jet!” Mabilis itong tumalima sa utos niya at tumawag pa ng ibang nars na nasa labas din. May ilang doktor na tumulong sa kanya na i-stabilized si Niel hanggang sa makarating sila sa emergency room.

Marie made a room for the ones who's incharge in that floor. Mataman lamang siyang nakatingin kay Niel habang ginagamot ito ng mga kapwa niya doktor. Sobrang daming dugo at ang kumalat iyon sa kamay niya hanggang sa suot na damit pati na doctor's gown.

“Marie, he's stable now.” Napahinga siya ng maluwag matapos marinig ang balita na iyon ni Jethro. “Iaakyat na siya para sa surgery ulit.”

“Surgery?”

“There's something wrong with bone graft on his leg. Samantalang aalamin naman nila kung ano dahilan ng blood clots niya pero meron siyang pulmonary enbolism.”

“Dammit!” usal niya.

“Let's go. Samahan kita sa locker room.” Pag-aya sa kanya ni Jethro. Kailangan rin talaga niya magpalit dahil puro dugo ang halos ang kanyang suot. “He'll be fine.”

“One moment he's fine. Excited pa niya pinakita iyong dalang pagkain para sa akin.” Mariin siyang napapikit. “Maybe he over do himself during therapies.”

“Posible pero mas mabuti kung sumailalim pa rin siya sa mga test. Hindi biro ang blood clots.” Tumango si Marie. To be able to stop blood from clotting, Niel must intake blood thinner as prescribe by his doctor. It could give a huge impact on him too. “Don't worry, hm?”

“He shouldn't forced himself,”

“Hindi mo kasalanan kung pinilit 'man niya ang kanyang sarili, Marie. You have to clear your head after you change. You're a doctor, okay? Ipag-da-drive na kita pauwi sa inyo.”

Hindi na siya nakatutol pa sa suhestyon ni Jethro sa kanya. Tama ito. Hindi siya makakatrabaho ng maayos kung ang kanyang isip ay bumabalik sa eksena nila kanina ni Niel. That was a nightmare for Marie. Iyong makita ang isang taong unti-unti na nagiging espesyal sa kanya na umuubo na may dugo.

Hindi talaga siya handa sa gano'n.

Hindi kailanman magiging handa si Marie kapag malapit sa kanya ang nasa binggit ng panganib.

Reaching Mr. SuperstarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon