Chapter Eleven

46 5 0
                                    

CHAPTER ELEVEN

THE STAGE was ready for Niel and his band but he chose to sing a song in solo. Hindi na nga halos napansin ni Marie kung nakailang kanta na si Niel simula ng dumating sila sa bar ni Kristoff. Tingin niya kasi ay na-mi-miss na nito na mag-perform sa harap ng marami kaso iyong kondisyon na meron ang tanging hadlang.

For Niel to be able to perform again, he have stop taking anticoagulants. Bagay na hindi naman puwede dahil ilang linggo pa lang ang lumipas mula ng simulan nito ang pag-inom noon.

"You have a new looks, Doc!" Lumingon si Marie nang marinig ang tinig na iyon. "Bagay sa 'yo at mas lalo ka naging mukhang bata."

"Stop complementing my looks," saway niya sa binata.

"You made my friend happy today. Akala ko nagbibiro lang siya nang sabihin niyang kasama ka ngayon. Medyo delusional na iyan mula ng ma-basted mo noon." Napatingin siya kay Niel na nakanta pa rin sa stage. "Isa ang sigurado ko, Doc."

"Ano 'yon?"

"When Niel love someone, he love hard. Gano'n din kapag may gusto siya sa isang babae."

"That's what he has with Ellora, right?"

"My sister? No way! Situationship lang iyong sa kanila. Maunang ma-fall talo."

Marie knew for the fact that Kristoff was already drunk. Hindi naman kasi sila close dalawa at wala siyang matandaan na mahabang pag-uusap nila gaya ngayon. Pero ngayon lang niya narinig iyong tungkol sa klase ng relasyon na meron si Niel at Ellora. Nakita niya sa Twitter ni Kreya na sobrang close noong dalawa sa lahat ng picture na meron ito.

Hinayon ni Marie ang tingin sa stage at doon nakita niya na inabutan ni Ellora ng tubig saka tissue si Niel. They're perfect for each other but one of them couldn't commit.

Sino kaya sa kanila? tanong niya sa isipan.

"All right folks, this is my last song for tonight."

Iyon ang anunsyo ni Niel na umani ng iba't-ibang reaksyon. But those didn't bothered Niel and he prepared himself for the last song he's going to sing. And when the instrumentalist played the song, everyone shout and girls near stage blushed.

Kasama siya sa mga kinilig pero 'di niya gaano pinahalata dahil paborito niyang kanta ang binigyan ni Niel ng bagong rendisyon. And that version of Niel remained on her head  even if they're already driving back home.

"Did you enjoy my set tonight?" tanong sa kanya ni Niel na nagpatigil sa kanya sa paghum sa partikular na kinanta nito kanina.

"Yes I am. Hindi ko na nga matandaan kung kailan ako huli nakapanood ng kumakanta ng live."

"I'm glad you enjoyed and liked that particular song."

"Arthur Nery's song? Paborito ko iyon."

"How about my songs?"

"Maganda rin naman ang mga kanta mo," aniya sa binata at umakto itong parang nasaktan pero may ngiti sa labi. "Tumigil ka nga diyan. My daughter loves your songs and I think that's enough."

"I'm not contented with just that."

"Grabe ha! Ang demanding mo naman."

"When can I win your heart, Dra? Mariestelle Dominguez?" For Marie, it means something, but she chose to ignore Niel's indirect love confession. "You're pretty. So pretty that makes me want to marry you now."

"Gaano ba karami ang nainom mo?" Napansin ni Marie na panay ang pag-inom nito habang nakanta sa stage kanina. Kaya ayun siya at naging driver pa ng binata kahit ito naman ang nag-aya sa kanya kanina. "Nevermind. Tell me where I can drop you off na lang."

"Take me home, Marie," anito sa kanya na nagpakunot sa kanyang noo. "Ayoko sa bahay masyadong malungkot doon." Napa-iling siya. Lasing na nga ang kasama at kumpirmado niya iyon. At dahil ayaw nito sabihin

Reaching Mr. SuperstarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon