Chapter Nine

38 3 0
                                    

CHAPTER NINE

12hrs before Niel help Kreya to go back home.

“NAGBALIK ka na talaga, Othniel. Who would've thought you experience more than two near death situation? Grabe ang lakas mo kay Lord!”

Iyon ang mahabang salita ng kapwa music producer ni Niel na si Oliver.

Pagkatapos niya lumabas sa ospital, nagpahinga lang siya sa bahay niya at heto na, nagta-trabaho na siya ulit. Minimal job lang naman ang lahat muna sa ngayon at naka-hiatus din naman ang banda nila.

Kasama sa minimal job na iyon itong pag-re-record nila ng demo song para sa album na ilalabas kapag handa na sila bumalik. Nagsabi din si Oliver na popondohan ang comeback concert nila na hindi pa niya tinatanggap sa ngayon.

Mahirap na at baka maabuso na naman niya ang katawan niyang tila kalahati na yata ay robot. Marami kasi siyang dinaanan na surgery at mga test noong nakaraan. Ngayon full recovery na siya pero ayaw pa rin niya maging kampante. Nakakatakot na karanasanan iyong huli na umubo siya ng dugo.

It was an experience Niel didn't want to remember. Not in a million years.

“May magaling siyang doktor kaya mabilis maka-recover iyan,” tukso ni Kristoff sa kanya.

“That doctor who's child is missing?” Kumunot ang noon ni Niel nang marinig ang sinabi na iyon ni Ellora. Kasama ito ni Kristoff kanina at hindi pa rin niya alam bakit ito biglang bumalik. “I'm not stalking her, ha. Tiningnan ko lang kung may social media account siya and this post several hours ago is what I saw.”

“Patingin nga,” aniya saka kinuha ang cell phone ni Ellora. And Kristoff's sister was right. Kreya was missing and Marie still couldn't get a hold of her.

“Mahahanap naman nila iyan for sure. Dominguez siya at walang hindi kayang gawin ang pamilya niya,” sambit pa ni Ellora.

“Kasama sa concert producers noong huli niyong concert ang music company nila. Si Ciara Dominguez ang representative nila noong araw na 'yon.” Balita naman ni Oliver sa kanila.

“She's really a big fish huh?” Kristoff interjected.

“And too old for Niel.” Iyon naman ang dinagdag ni Ellora na dahilan kung bakit niya ito pinukol ng masamang tingin. “I'm just telling the truth.”

“I have to go now. I will send the demo songs later tonight, Oli,” aniya sa mga kasama matapos i-check ang kanyang Twitter account. Niel found Kreya and he knows where she's hiding now.

“Saan ka naman pupunta?”

Binalingan niya si Ellora bago tuluyang umalis. “Far from you because I don't really know why are you here again. Hindi ka ganito ka-concern sa akin noong huli tayo mag-usap.”

“Nag-reflect na ako tungkol diyan at -”

“Save it, Ellora. I don't want to hear it now.”

Umalis siya pagkasabi noon at walang lingon-likod na tinapon sa dalaga kahit sa kaibigan niya na kapatid nito. Wala din doon ang atensyon niya kung 'di na kay Kreya na siyang susunduin niya ngayon.

Niel believed something happened that's why Kreya was in the place which he considered his hide out. Kaunting fans lang niya ang nakaka-alam noon at kabilang sa kaunti na iyon ay si Kreya.

Malalim na bumuntong-hininga si Niel saka nagpatuloy sa paglalakad papuntang parking lot. . .

~•~•~

ISA-ISANG inalis ni Niel ang mga nakaharang sa gate ng hide out niya saka binukas ang gate para mapasok siya. Isa iyong abandonadong building na nabili niya at may balak siya sa nasabing lugar. Niel wanted to turned the place into a recording company someday. Hindi pa lang siya makakuha ng buwelo lalo't nagpapagaling pa siya sa ngayon.

Reaching Mr. SuperstarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon