Our Tragic Love Story

4.3K 99 5
                                    


Eyen's POV

Prologue












__

Hundred years before







"Binibini wag nyong gawin yan" Tawag sakin ni Jo.

"Kaya ko to, wag mo kong pigilin" Awat ko naman ng subukan nyang hatakin sakin ang panalok sa balon.

"Hindi ko maintindihan kung bakit mas nanaisin nyo pang maki halubilo samin dito" Ang narinig kong turan nya maya maya.

Malapit ko ng mapuno ang dalawang sisidlang kahoy, na bubuhatin ko patungo sa aming paminggalan upang maka tulong sa ibang alipin.

Abala ang araw na ito at nag kalat ang lahat sa buong lupang nasasakupan ni Ama. May darating mula sa España na matalik nyang kaibigan.

Kaya't alam kong kahi't na mahigit sa singkwenta ang alipin namin, kukulangin sila para sa sandamakmak na gawain.

"Masaya na ako dito. Hindi ko nais mapa bilang sa kanila Jo" Sabi ko habang naka tanaw kami sa malapit na burol.

"Gusto nyong mapa bilang samin?" Napa kibit ako ng balikat.

"Ayaw kong mawalan ng pasasalamat subalit masaya akong nakakasama kayo" Balik ko.

"Masaya rin kaming nakakasama kayo binibini, lalo pa't napaka buti ng inyong puso" Tiyak ko na aalala nya nanaman yung araw na binili ko sya sa mga masasamang panginoon nya.

"Ikaw ang matalik kong kaibigan Jo" Sapat na iyon para lumaki ang ngiti nya.

"Habang buhay akong tatanaw ng pasasalamat sa inyo"




Sa gabi ng piging tumakas ako mula sa aking silid upang hindi mapilitan si ama na ipakilala ako sa mga dayuhan. Narinig ko noong isang araw lang ng tumungo ako sa pamilihan na malulupit at mapang abuso ang mga dayuhan kaya't wala na akong tiwala sa kanila.

Sa may lawa nag lakad ako habang naka tanaw sa bilog na buwan.

Natigilan ako ng makarinig ng sigaw mula sa malapitan. Sinuyod ko ng tingin ang katubigan at nanlaki ang mga mata kong makita ang isang babaeng nalulunod.

Kaagad akong tumakbo at tumalon papunta sa tubig at simubuka syang sagipin, nag dasal ako sa mga ninuno ko na ma-abot sya.

Naka hinga ako ng mahawakan ang kamay nya at ng mai ahon sya, tinignan ko sya at nagulat ng mapansing dayuhan sya.

Hinaplos ko ang pisngi nya ng mag simula syang umubo. Saka sya nag mulat ng mga mata.

"Niligtas mo ang buhay ko" Nabigla pa akong kaya nyang mag salita sa wikang tagalog.

"Anong dahilan at nandito ka ng mag isa?" Naupo sya.

"Nais ko lang makalayo sa iba" Kalmado na ngayon ang tibok ng aking puso, gayunpang batid kong ligtas na sya.

Naging malapit kong kaibigan ng gabing iyon si Barbara. Nalaman kong kasama sya doon sa mga panauhin ni ama.





Habang inaayos ang aking kasuotan para sa araw na ito, narinig ko sa labas ng kabahayan ang malakas na mga sigaw.

Nakita ko si Jo na naka luhod sa harapan ng isang dayuhan, basa ang babae mula sa beywang hanggang talampakan.

Tuloy tuloy ang pagsasalita nito sa banyagang wika na diko gaanong maunawaan kahit pa matagal ko na itong pinag aaralan.

Lumapit ako at lumuhod rin bilang pag hingi ng kapatawaran.

"Kung ano man ang kanyang nagawa, ipag paumanhin nyo." Halos dumikit sa lupa ang mukha ko sa pag papababa ng sarili.

"You're one of the slaves? I'll take this one" Napa kunot noo ako ng marahas akong hatakin ng ibang alipin ng babae.

Wala akong alam kung saan nila ako dadalhin, habang may naka sunod saming mga lalaking nagbubuhat ng malaking parasol.

Nalaman kong binili nya ako bilang kanyang alipin at doon nag simula ang aking kalbaryo.

Para turuan sa lahat ng aking ka sutilan, hindi ako tinubos ng aking ama. Sinabi nya pang dapat akong matutong sumunod sa kanya.

Pag tilaok ng tandang, ginigising ko ang binibini para sa kanyang umagahan.

Sa tanghali, ipinamimitas ko sya ng mga prutas.

Matapos iyon binubuhat ko sya papunta sa mga lugar na nais nyang puntahan.

Ilang buwan tumagal ang ganoong estado ng aking pamumuhay hanggang sa ako'y masanay na sya ang kasama sa araw araw.

Napagtanto ko ring iba sya mula sa nauna kong naisip.

Naging kaibigan ko rin sya, hanggang sa mag simula akong umibig sa kanya.

Sa madalas na pag sasama namin, ipinabatid ng binibini ang syang damdamin nya rin para sakin.

At dahil sa lubos na walang kinatatakutan, sinabi nya ito sa kanyang ama na hindi masukat ang naging galit.

Nais nitong kitilin ang aking buhay sa kahihiyang dinala ko sa pamilya nila. Nilayo din nila ang binibini sa akin at ikinulong sya.

Hanggang sa sabihin sakin ni Jo na gumawa ang ama ng binibini ng paraan upang mapag hiwalay na kami ng pang habang buhay.

Napag alaman kong naka takda ang pakikipag isang dibdib nito at tuluyan na syang ilalayo at dadalhin na sa ibang bansa.

Kaya bumuo kami ng plano upang maitakas sya at mailigtas. Sa tulong ng mga kaibigan ko.

Nagulat pa ang binibini ng makita ako matapos ang ilang buwang pagkakalayo namin. Humagulgol sya sa dibdib ko.

Saka kami tumakbo palayo sa lugar na iyon, balak naming kalimutan na ang lahat. Hanggang sa maka rinig kami ng mga putok ng baril.

Nagka titigan kami at napuno ng takot ang puso ko, hindi sakin kundi takot para sa pwede nilang gawin sa kanya.

Nag init ang mga mata ko ng magkaroon ng malalaking muog at mawalan na kami ng tatakbuhan, nasukol kami ng mga humahabol samin.

Niyapos ko ang katawan nya. Kung ito man ang katapusan. Nais kong malaman nya ang lahat ng nilalaman ng aking isip at puso.

"Wag kang matakot pinaka mamahal kong binibini. Ikaw lang ang itatangi ng puso ko, sa buhay na ito at sa ibang mga buhay pa" Pinunasan ko yung luhang naglalandas na sa mga mata nya.

"Makikilala ka ng puso ko sa lahat ng panahon at ikaw lang ng ikaw ang pipiliin ko. Kaya wag kang tumangis sapagkat, hahanapin kita" Pangako ko.

"Mamahalin kita ng paulit ulit hanggang sa maawa ang mga Diyos sating dalawa. Bigyan mo ko ng lakas sa paghihintay" Napa ngiti ako sa narinig at tumango.

"Magkikita tayong muli at magkakaroon ng pagkakataong mahalin ang isa't isa ng may kalayaan. Mananatili sa mga kamay mo ang puso ko, binibini" Tinawid ko ang pagitan saming dalawa at hinagkan sya.

Hanggang sa magkaroon ng malakas na putok, napa luhod ako at hinawakan ang binibini na wala ng buhay sa mga braso ko.

Nag paunahan ang mga luha sa pag labas saking mga mata,habang napuno ng di maipaliwanag na sakit ang dibdib ko.

Tinawag ko ng paulit ulit ang pangalan nya,subalit di sya sumasagot, lumakas ang hagulgol ko sa dugong pumuno kumulay sa buong kamay ko.

Hanggang sa may maramdaman akong pwersa sa may likuran ko. Niyakap ko ang katawan nya habang ilang beses pa silang nagpa putok.

Hindi ko sya binitawan hanggang sa huli kong hininga.


___

Naging idea ko ito dahil sa favorite trope ko talaga yung enemies to lovers at yung bitchy girl na nagiging soft lang para sa partner nya. And dahil sa talagang gusto ko yung love story, about finding your soulmate through every period and time.

Nag dagdag yon ng excitement sakin na isulat ito.

So any thoughts? - Mikay

Alipin Series 1: Reyna ng Teleserye (wlw)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon