Jealousy, Jealousy

1.3K 62 4
                                    

Chapter 19







__


"What's wrong with you?" Tanong nya habang inilalagay ko lahat ng gamit sa back seat.

"Kailangan ba may mali sakin?" Inis na balik ko. Pabalibag kong isinarado ang pintuan ng kotse saka binuksan ang sa driver's seat.

Nag seat belt ako at hinintay syang pumasok. Pinangungunahan ako ng emosyon ko at hanggang ngayon pauwi na kami at lahat pero nasa utak ko parin yung mga sinabi ni Ava.

Binuhay ko ang makina ng maupo sya sa passenger seat, nag seat belt din sya. Tahimik akong nag maneho at di ako nag komento kahit pa hindi na nawala yung mata nya sakin.

"Dahil parin ba to sa mama mo? I told you --" Sinamaan ko sya ng tingin.

I don't really know kung saan ako kumukuha ng lakas ng loob na mag attitude ngayon. Pero kinakain ako ng iritasyon habang na aalala yung sweet moments nila ni Wyatt kanina.

"This is not about that. Just shut up" Lumaki ang mga mata nya.

"Stop the car right now" Nag patuloy ako dahil diko alam kung bakit nya ako pinahihinto. "I said, stop the car" Bumuntong hininga ako saka itinabi ang kotse.

"Bakit ba?" Inis na tanong ko. Humarap sya sakin at pinagmasdan akong mabuti.

"Why are you acting like this?" Hinawakan nya ang kamay ko. "What get you so upset?" Tumingin ako sa billboard nya sa di kalayuan.

Iniwas ko ang tingin sa kanya kasi ayoko syang makita, pagkatapos kahit saan naman madako ang mata ko mukha nya parin ang natatagpuan ko.

"Wala, may iniisip lang ako" Humigpit ang pagkaka hawak nya sa kamay ko.

"Tell me right now while I'm being nice. Dahil sinasabi ko sayo pag ako napuno" Nanginig ang ibabang labi ko kasi ngayong araw lang walang makirot sakin dahil hindi sya tino toyo.

"Ayokong sabihin" Pinisil nya yung nose bridge nya at natakot ako ng mamula ang pisngi nya.

"Isa, sabihin mo sakin kung bakit ka nagagalit" Kinutkot ko ang manibela at nagbaba ng tingin.

"Boyfriend mo ba si Wyatt?" Mahinang tanong ko, inilapit nya naman ang tenga sakin.

"Ha?"

"Boyfriend mo ba si Wyatt?!" Sigaw ko sa tenga nya.

"Fuck!" Hinaplos nya ang tenga pero hindi ako nakaramdam ng awa kasi naaalala ko nanaman yung inis ko.

"Boyfriend mo ba si Wyatt? Laruan lang ba talaga ang tingin mo sakin? Iyon lang ba yung plano mo sating dalawa? Kasi diko kayang gawin ito. Ayoko nito" Hinintay ko syang maka sagot pero natahimik sya panandalian.

May mga dumaang sasakyan at rinig yung busina nila ng buksan ko ang bintana. Tinanaw ko yung madilim na langit na walang bituin. Malakas din ang ihip ng hangin na parang papa ulan.

"He's not my boyfriend. Sino namang nag pasok non sa utak mo? Wyatt's a one time thing" Kahit na marinig iyon hindi nawala yung inis sa puso ko.

"Eh bakit palagi parin kayong lumalabas?" Nag kibit balikat sya.

"Kaibigan ko sya. Bakit kayo ni ate Blaze? Lumalabas din kayo pero kayo ba?" Alam kong patibong iyon.

"Magkaiba yon" Nanliit ang mga mata nya.

"Paano naging iba yon? She loves you and courting you for I don't know how long" Ibang iba yon, kasi di ko namin ex si Blaze.

"Don't change the subject Danielle. Kailangan kong maintindihan itong nangyayari" Tinanggal nya ang seat belt nya at nag krus ng braso.

Alipin Series 1: Reyna ng Teleserye (wlw)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon