Scary Danielle

1.2K 71 6
                                    

Chapter 16












__

Nag ha handa na akong matulog ng merong kumatok sa pintuan ko. Tinignan ko ang orasan at oo eight palang pero nagtataka ako sa kung sinong nasa likod ng pintuan.

May black facial mask pa ako sa mukha pero for another ten minutes ko pa ito pwedeng i peel off. Kaya nag kibit balikat nalang ako at tumungo na sa front door. Si Blaze na namumugto ang mata ang syang sumalubong sakin.

"Hey, what happened?" May pag aalalang tanong ko. Sumugod sya sakin at yumakap.

Seconds lang naman ng umiyak sya. Napako ako sa pwesto at diko alam kung anong dapat na gawin, kung paano sya patatahanin, kung isa sya sa pinaka malakas na taong nakilala ko.

Hinaplos ko ang likuran nya, hinintay ko rin syang maka recover dahil parang ang sama sama ng loob nya ngayon. Hanggang sa yayain ko syang maupo sa sofa.

"Anong nangyari? May umaway ba sayo?" Kahit pa umiiyak natawa sya sa tinuran ko.

"I feel so weak right now. I'm twenty seven years old but my parents still want to run my own life" Pinunasan ko ang mga mata nya.

"Gusto mong i kwento sakin lahat ng nangyari?" Nanginig yung ibabang labi nya bago madiing hinawakan ang kamay ko.

"Hindi ko alam, naguguluhan ako" Hinaplos ko ang likuran nya.

"Kundi mo pa kaya, nandito lang ako." Sumiksik sya sa leeg ko ng mag ring ng sunod sunod ang cellphone ko. Hindi ko na muna pinansin iyon dahil mas importante si Blaze.

Nanatili kami sa ganoong pwesto at inisip kong baka naka tulog na sya ng dalhin nya sa bibig ang kamay ko at halikan. Tinignan ko sya, antok ar pagod lang ang makikita sa mga mata nya.

"I wanna sleep here because you're the only safe place I know" Walang second thoughts akong tumango.

"Okay, matulog ka sa kwarto, dito nalang ako sa sofa." Obvious yung protesta sa mukha nya na nginitian ko. "Papatulugin kita at babantayan kita. Wag kang mag alala" Hinalikan nya ang gilid ng labi ko.

"I love you so much" Hinaplos ko ang buhok nya.

"Tara na mag re-ready ako ng pantulog mo. Gusto mo bang mag mask din?" Ngumiti sya bago tumango. "Pwede tayong mag girls night out, meron akong pop corn dyan at movie na ilang araw ko naring gustong panoorin" Alam kong lame yung mga naiisip kong ideas para pigilan kaming tuluyang masolo, pero gusto ko ring mawala muna ngayon yung iniisip nya.

"Gusto ko tabi tayong matulog, please" Bumuntong hininga ako at tumango.

"Sya, sya. Tara at ihahanap kita ng damit." Mas matangkad sya sakin ng konti pero magka body size lang kami kaya di naging mahirap na bigyan sya ng pajama na kasya sa kanya.

Pumasok sya sa banyo at nag palit ng damit, nag linis din sya ng katawan at pag labas mahina akong natawa sa itsura nya. Red at ternong hello kitty ang pajama nya dahil iyon ang pinaka comfortable kong pajama.

"Never kong na imagine na mag susuot ka ng ganito" Pina upo ko sya saka sya nilagyan ng facial mask. Tumitig lang naman sya sa mukha ko at yumakap sa balakang ko.

"Masaya na ako dito,kahit na ano pang ipa suot mo" Turan nya naman.

"Mga twenty minutes na ibababad yan kaya manood na muna tayo. Umupo ka dyan tas mamili ka ng movie" Ibinigay ko sa kanya yung laptop ko saka ako pumunta sa kusina para mag salang ng popcorn.

Noong isang araw parin ako nag ke crave ng caramel popcorn pero mas madalas pa akong pangunahan ng katamaran kaya ngayon kolang ito magagawa. Dalawang flavor ang niluto ko in case na ayaw nya ng matamis.

Alipin Series 1: Reyna ng Teleserye (wlw)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon