Domestic Bliss

1.2K 57 7
                                    


Chapter 26






__

By now humupa na yung usapin about sa problema ng mga Monte Verde matapos itong solusyunan ni daddy. Ilang beses na kaming nag usap sa telepono at everytime na magkikita sinasabihan nya ako na dapat mag start na ako sa pag aaral ng dapat kong gawin ngayon sa kompanya.

Pero sinabi kong tatapusin ko yung naging kontrata ko kay Danielle na ni re respeto nya naman. Mahalaga rin kasi sa kanya yung palabra de honor lalo pa kung manggagaling sa amin yon.

Nag resume na yung pag o operate ng resto na kaagad ibinalita sakin ni Jordan pero gustuhin ko mang pumunta doon para makamusta sila, alam kong dipa time para mag kita kami ulit ni Blaze.

Kaya nag pa abala ako sa pagiging assistant ni Danielle na dina mahirap para sakin. Most of the time enjoyable pa ito kung maya't maya kong makikita yung magandang mukha nya.

Naisip ko kasi na once mag start na ako sa pag ta trabaho kay daddy magiging limitado na ang pagkikita namin ni Danielle at sure na magiging busy ako doon kaya sinusulit ko lahat ng segundo at minuto na nakikita sya.

"Ayoko sabi" Papasok kung nasaan sila ni Ava narinig ko yung kamalditahan nanaman ng boses nya.

"Anong gusto mo? Haist, kailangan mong gawin to" Nag hihilot ng sentido si Ava ng makita ko.

"Anong problema?" Tanong ko pagka kita sa kanila. May mga i a update daw sya kay Danielle kaya sya nandito ngayon at malapit na matapos yung pag shu shoot nila para sa teleserye kaya kakausapin nya yata yung si Direk.

"I told her to attend this event tomorrow." Ihinarap sakin ni Ava yung invitation para sa isang masquerade ball na gaganapin sa pinaka sikat na hotel sa bansa.

"Bakit ayaw mo Danielle?" Nag kibit balikat sya.

"I just don't like to go. I'm tired, okay? Tapos first time yan this week na makaka tulog ako ng mahaba, kaya pwede ba?" Taas kilay na sabi nya.

"First time? Eh palaging maaga ang uwi mo this last few days. Anong ginagawa mo kung dika natutulog?" Nasamid ako, biglang umapoy ang pisngi ko.

"Just things, bakit ba kailangan mo pang malaman?" Mataray na balik nya at nag wink sa direksyon ko.

"Kailangan mong pumunta dahil kailangan yung appearance mo doon" Nag tagis ang bagang nya saka ko napansin na konti nalang mag tra transform na sya.

"Ava ako na muna ang kakausap sa kanya. Diba dadaanan mo pa si Direk?" Sa na alala nanlaki pa ang mga mata nito.

"Muntik ko ng makalimutan. Mag uusap tayo mamaya Danielle" Nanliliit matang sabi pa nito saka kami iniwan. Ikinandado ko ang pintuan at naupo sa tabi nya dito sa may kaliitang sofa.

"Bakit ayaw mong pumunta?" Sumimangot sya.

"May plano ako bukas" Inis na sabi nya.

"Anong plano mo?" Nag iwas sya ng tingin.

"Basta lang. I have things to do" Hinawakan ko ang pisngi nya.

"Sabihin mo sakin" Umiling sya.

"Hindi pwede" Kumirot ang utak ko,mga babae nga naman.

"Tell me, para alam ko kung paano ka tutulungan" Bumuntong hininga sya at inabot yung bag nya saka may kinuha. Ticket ito para sa isang murder documentary movie na ipapalabas din bukas.

"Dahil dito kaya ayaw mong pumunta?" Dipa sya masayang mag binge watch sa bahay talagang gusto nya pang panoorin sa big screen.

"Matagal ko ng ina abangan yan. So when I found out that it's going to be on theatres I bought tickets instantly" Kinamot ko ang kilay.

Alipin Series 1: Reyna ng Teleserye (wlw)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon