Drunken Kiss

1.3K 72 10
                                    


Chapter 11



__

"Bakit kaya tuwing sa labas ang taping nyo malaki ang dilim sa kalangitan?" Tanong ko iyon more on sa sarili ko, diko rin sya ina asahang sumagot kasi pag nasa loob kami ng kotse may sarili syang mundo.

As usual katahimikan yung sumagot sakin, naka saksak sa tenga nya ngayon yung earphones, at alam kong kundi rock song napaka lalakas ng kantang pina pakinggan nya.

Mas good mood sya ng araw na ito at ilang beses nya palang akong tinatarayan, di nya rin ako binigyan ng mga unnecessary na utos. Kaya kinakabahan na ako kung bakit at anong nakain nya kahapon para magka ganito sya.

Pumarada kami sa harapan ng isang malaking bahay, na nandito sa kalagitnaan ng kagubatan. Dalawang beses narin kaming nag take dito kaya naka bisa ko na ang lugar.

Bumaba ako at ipinag bukas sya ng pintuan ng kotse, sabay pa kaming napa pitlag ng biglang kumulog ng malakas. Tumingala ako at nakitang malapit na dito ang dilim, sana lang di sila mag take sa tuktok nanaman ng bundok.

"Kausapin mo yung wardrobe at i check mo yung susuutin ko" Utos nya ng ma i set up ko ang upuan nya, binaba ko yung dalawang bag na malalaki saka tumango.

May mga binati ako kasi medyo naging sikat na ako, saka may time na laughing stock ako ng mga tao dito sa kung anu anong utos ni Danielle na walang sense.

Mababait naman sila halos lahat, pati narin sila Fawn, wag lang silang magluluto ng plano para pag trip-an si Danielle. Pero ilang linggo narin naman since last time na prank nila at naging matahimik ang buhay ng amo ko.

"Ito ang damit nya, ano bang meron sa pula at parang may ginawang masama sa kanya ito?" Tanong ni Marissa na syang head ng wardrobe.

"Baka dati syang toro" Komento ng isa sa kaibigan ni Fawn, diko napigilang matawa kasi naisip ko na baka tama sya.

Sa haba at kapal ng sungay ni Danielle di ako magugulat kapag nalaman ko na noong past life eh toro pala sya. Tapos magagalitin pa at walang paki sa ibang bagay ang gusto nya lang palagi ay ang manuwag.

"Salamat, good mood sya ngayon kaya ayoko na masira ang araw natin kapag nag attitude nanaman sya" Mahinang sabi ko dito. Isa na sya sa mga naging ka kwentuhan ko.

"Ikaw lang ang tumatagal sa ugali nyang si Danielle, diko alam kung bakit, pero nakaka inggit ang haba ng pasensya mo" Ngumiti lang naman ako bago mag paalam.

Sa set nasa isang kwarto sila dahil ite take daw yung love scene ni Danielle at Josh. Na curious ako kung paano nila ito kinukunan kaya nanood ako.

Sumigaw si Direk na babaan pa ng kaunti yung ilaw saka magkaroon ng katahimikan sa set. Lahat kasi ngayon ng nakaka kita, tumitili at kinikilig.

"Ready na Danielle?" Tumango sya saka hinubad ang bathrobe nya, kulay ng balat yung sando at maigsing shorts na suot nya, saka sya puma ilalim sa kumot.

Dumating naman si Josh na pati dibdib at balikat mine make-up-an pa.

Pinanood ko yung pag lapit ng mukha Josh kay Danielle, till sa mag tagpo ang labi nilang dalawa. Tinignan kong mabuti kung anong nakikita nilang nakaka kilig dito.

Dahil pansin ko yung stiffness sa balikat ni Danielle at parang di sya comfortable sa nangyayari.

Pero mukhang ako lang ang nakaka pansin noon, kasi ultimo si Direk natutuwa sa performance na binibigay nila.

Alipin Series 1: Reyna ng Teleserye (wlw)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon