Fake It Till You Make It

1.5K 65 2
                                    

Chapter 2







__

Nangalumbaba ako habang pinapanood ang interaction ng mga tao. Dahil absent yung isa sa mga receptionist wala akong choice kundi ang tumayo dito at i checked lahat ng reservation ng mga papasok. Sinasagot ko rin yung mga incoming calls.

Hindi naman talaga ito isa sa mga task ko, dahil pwede naman akong kumuha ng ibang staff para sa position na ito, pero mas pinili ko na ito dahil ayokong maipit kay Jordan na maya't mayang umuungot na pauwiin ko ng maaga, at kay Blaze na till now niyayaya akong lumabas.

Ang gusto ko lang naman, ay ang mag tulog ng mag tulog after noon kumain ng kumain ng favorite food ko, at syempre hindi mag gain ng weight. Pero diko magawa iyon kasi kahit na day off ko on call ako, if ever man may mangyari dito sa resto lalo pa kapag kulang sa tao.

Noong una, akala ko pa napaka saya nitong position bilang manager kasi dina ako pwedeng sigawan at utus utusan lang ng kung sinu sino. Makaka iwas narin ako sa mga toxic na tao sa kitchen or sa head chef, na isa sa mga nakaka away ko noong waitress pako.

Kaya lang, mula ng tanggapin ko ang posisyon na ito parang nagkaroon ako ng isang dosenang anak, na kailangan ng atensyon maya't maya. At kung dati naiiwasan ko ang makipag away, ngayon lahat ng di ko mapag bigyan sa day off na request nila, nagkakaroon ng bad blood sakin, kahit pa di naman ako ang taga gawa ng schedule nila.

Bumuntong hininga ako, be careful of what you wish for, ika nga. Hanggang sa maisip kong diko naman hiniling ito, sadyang nangyari lang dahil pinaboran ako ni Blaze na meron din namang ulterior motive.

Napa tayo ako ng tuwid ng may matikas na lalaki ang lumapit sakin. Naka litaw ang maputi at pantay pantay na ngipin nya sa ngiting naka paskil sa mukha nya.

"Good evening sir, how can I help you?" Tanong ko kaagad.

"Ah yes, good evening, I'm here for my reservation?" Tumipa ako sa computer at tumango.

"Sa ano pong pangalan?"

"Lopez, Umh Josh Lopez?" Pabulong nyang sinabi yon na para bang sikreto dapat ito.

Hinanap ko ang pangalan na sinabi nya at ng makita tinawag ko si Rachel para ihatid sya sa mesa. Matapos iyon marami pang ibang tao ang dumating nagka gulo pa nga dahil daw may sikat na artista sa loob na diko naman nakilala.

Hindi ako mahilig manood ng TV dahil matipid din ako sa kuryente at talagang mas gusto kong natutulog kapag may oras ako. Ang matatawag na hobby ko lang siguro, ay ang mag basa, kahit pa pati iyon napaka dalang kong gawin.

"Ma'am Eyen" Tawag ni Rachel sakin habang nasa break room kami.

"Bakit?" Kanina pa sila abala sa kwentuhan, na diko maintindihan, dahil lumilipad ang utak ko.

"Kanina, diba kayo naka hingi ng autograph?" Kumunot noo ako.

"Kanino?" Nalilitong tanong ko.

"Kay Josh Lopez, di nyo ba alam na sikat na artista yon?" Hinalukay ko pa sa utak ko yung pangalang sinabi nya dahil ilang Josh din ang na encounter ko ngayong araw.

"Sino don?" Napa singhap sila na para bang kasalanan ang sinabi ko.

"Yung lalaking gwapo, matangkad at maganda ang ngiti? Yung pwede pang toothpaste commercial?" Pumikit ako saka na alala yung bumulong sakin.

"Ahh, artista ba yon? Diko kilala, pili lang yung kilala ko eh" Halos sabay sabay silang napa iling dahil sanay na rin naman sila.

"So di nyo rin kilala yung ka date nya?" Usisa ngayon ni Gen, wala akong energy na tumingin sa kanya.

Alipin Series 1: Reyna ng Teleserye (wlw)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon