Being a CEO

1.1K 47 2
                                    

Chapter 33







__



Tumibok ng malakas ang puso ko ng marinig yung malakas na alarm. Ibinukas ko ang mga mata at kahit na tumatambol ang puso sandaling tumigil ang mundo ng mabungaran ko ang magandang mukha ni Danielle.

Naka simangot sya at naka pikit parin. Mahigpit ang pagkaka yakap nya sa hubad na katawan ko, ng ma alala bigla akong nilamig. Sumiksik sya sa parteng leeg ko.

"Make it stop" Bulong nya, inabot ko ang cellphone at pinatay ang alarm.

"I'm sorry, matulog ka pa" Mahinang turan ko saka hinaplos ang buhok nya.

Isa ito sa pinaka dreaded day ko dahil mag sisimula na akong turuan ni daddy kung paano papatakbuhin yung kompanya ng mga Monte Verde. As much as possible ayaw ko pa silang makita, lalo pa't nahihiya parin ako till now sa ginawa ko sa tatay ni Blaze.

Bumalik sa pag himbing si Danielle, may init na pumuno sa dibdib ko at diko mapigilang mag swoon ng paulit ulit sa mala anghel na mukha nya. Ilang beses kong hinalikan ang labi nya saka pinilit ang sariling tumayo.

Hindi ko gustong first day palang maling impression na ang tumatak sa kanila. Kagandahan na gabi palang nag ready na kami ni Danielle ng isusuot kinabukasan, ilang beses nya ring ipina sukat sakin yung pantsuit na for me eh napaka simple lang.

Naligo ako at napa dasal sa utak ko, hindi ko namalayan ng matapos ako doon sa dami ng scenario na pumapasok sa utak ko. Malaki rin ang takot kong mapa hiya sa harap ng maraming tao lalo pa't wala akong idea sa papasukin ko.

Huminga ako ng malalim at nag blow dry ng buhok sa may salas, ayaw kong ma abala ang tulog ni Danielle, mamaya pang alas dyes yung pinaka unang sched nya para sa araw.

Nag timpla ako ng kape habang naka bath robe at nag luto ng kakainin ni Danielle pagka gising nya. Inisip kong mag almusal narin pero parang masusuka lang ako sa kaba kaya nag kape at isang slice ng tinapay lang ako.

Matapos yon, pumasok ulit ako sa kwarto at nag damit na, nag apply ako ng face cream at konting make up na tinuro sakin ni Danielle saka nag lipstick.

Maayos naman akong tignan sa salamin pero pansin yung pamumutla ng balat ko sa kaba. Siguro sa una lang naman ito at kapag nasanay na, mawawala narin yung takot ko.

Naupo ako sa tabi ni Danielle at hinalikan ng ilang beses ang pisngi nya. Segundo lang naman ng idilat nya ang mga mata. May 45 minutes pa ako bago mag eight na syang oras ng pag pasok ko sa opisina.

"Good morning" Bati ko, ngumiti sya ng malaki.

"Good morning, honey ko." Paos ang boses nya na nababalutan parin ng antok.

"Aalis nako, magpapa alam lang ako sayo. Diko pa alam kung anong oras ako uuwi, pero sa apartment ako tutuloy mamaya" Nag pout sya.

"Why? Dito ka matulog, I'm sure na mami miss kita" Pumikit sya at mukhang papatulog nanaman.

"Kailangan kong tignan yung bahay pero susubukan ko" Hinalikan ko ang sentido nya. "Aalis nako, bumalik kana ulit sa pag tulog" Turan ko ng maupo sya.

"No, I'll take you there. I wanna be there on your first day" Natawa ako ng kumurap kurap pa sya at sinubukang sampalin ang sarili na pinigilan ko.

Alipin Series 1: Reyna ng Teleserye (wlw)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon