Ang Reyna ng Kamalditahan

1K 44 3
                                    

Danielle's POV



Chapter 3






__

"What the actual fuck is that?" I am blinded by rage at this point

Lahat naman ng tao sa kwarto parang nag mannequin challenge at nanlaki ang mga mata. Ibinuhos ko yung laman ng cup na hawak ko sa red dress na balak nilang ipa suot sakin.

What are they thinking?

The right question is, nag iisip ba sila?

Kanina pa parang sinusubukan ang pasensya ko. And I don't have a lot of that it's a virtue I don't posses.

Una doon palang sa ilang take namin dahil sa hindi pa kabisado nitong newbie yung mga line nya, second yung inumin ko na every order yata mali ang dinadala sakin nitong assistant ko, third yung masakit sa matang damit na ibinigay nila sakin para suutin ko.

They all knew how much I hated red, but they thought it was the right decision to force me to wear one.

Gusto ba nila akong mag liwanag sa dilim? Dahil may pagka neon pa ito.

As if mocking me...

"Do you want me to look like a fucking clown?!" Tumayo si Direk Cat.

"Dani come on, pwede mo naman sabihin ng mahinahon na ayaw mo yung damit. Dimo na kailangan pang--"

"Are you saying na over dramatic ako? God! I swear I had it with you. Fuck, why am I here?" Pinanlisikan ko ng tingin yung assistant kong di tuminag kahit pa obvious naman ng gusto ko ng umalis.

"Dika pa pwedeng umalis lahat ng scene mo para sa next episode ngayon kukunan" Turan ng director.

"Sana naisip nyo yon bago nyo ipasuot sakin yung damit na iyon. To think that I wake up early for this? What a waste of my time" Sinubukan nyang hawakan ang braso ko na kaagad kong iniiwas sa kanya.

"Come on stop acting like this. We can talk like a civil person. Danielle naka pirma ka ng kontrata kaya ako parin ang dapat na sundin mo" Pagak akong natawa.

"Do you think I even care? Just talk to my lawyer if you want, let's see who will win" Hinabol nya ako hanggang sa parking lot pero buo na ang desisyon ko.

"Danielle! Hey!" Kinalampag nito ang bintana ng kotse ko na lalong nagpa init ng ulo ko.

"Drive" Utos ko sa driver.

"Ma'am baka po tamaan sya--"

"I said drive!" Napa pitlag ito saka sumunod. Kailangan pang sigawan.

Pumikit ako saka inilahad ang kamay sa assistant kong tinitigan lang naman ito. May inis kong kinuha sa kanya yung bag ko at inabot yung cellphone ko, may inis ko ring kinabit ang isinaksak ang earphones sa tenga ko saka pumikit.

Ilang minuto lang naman ng mag ring ang cellphone ko, inaasahan ko ng tatawag sya, kasi sa kanya lang naman pwedeng mag sumbong yung director na makulit.

Di ko pinag ka abalahang sagutin ang mga tawag,pati na yung mga messages ng manager ko.

Naisip kong matulog nalang sa penthouse ko tutal kinulang ako dahil sa ipinipilit nilang maagang kunan yung scene but still tirik na ang araw ng mag start kami.

Bunch of morons.

Padapa akong humiga sa sofa ng unit ko, naramdaman ko kaagad si Bonny na inaamoy ang kamay ko. Nilingon ko sya bago sya yakapin.

Alipin Series 1: Reyna ng Teleserye (wlw)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon