How the Tides Have Changed

1.1K 58 11
                                    

Chapter 24








__

Pinatay ko ang makina ng motor ko saka bumaba, May guard malapit sa malalaking tarangkahan at napa ngiti ako dahil walang ipinagbago ang lahat base sa na aalala ko.

Lumapit ako sa tapat ng guard na nasa loob, Sandali nya akong pinagmasdan ng manlaki ang mga mata nya. Binuksan nya ang gate bago pa ako mag salita, ngumiti rin sya. Parang ka edaran kolang sya.

"Ma'am magandang hapon po. Mabuti at nakilala ko kayo, kung sila Rockstar ang nandoon malamang na di kayo papasukin noon" Kumunot noo ako.

"Ha? Paano mo ako nakilala?" Takang tanong ko.

"Ah eh madalas po ako sa mansion at naka display doon yung mukha nyo. Bata pa kayo doon pero wala naman pong nag bago" Ngumiti pa sya. Dina ako nag komento ng sabihin nyang mas maganda kung gamit ang golf cart nya nalang ako ihahatid sa malaking bahay.

Itinabi namin sa may guard house ang motor ko saka ako sumakay. Nag kwento sya habang tumatanaw ako sa malawak na lupain ni daddy. Maganda ito ngayong tignan habang napaka liwanag.

"Nag tayo po ang daddy nyo ng golf course dyan lang. Tapos dito po merong swimming pool ang ipina lagay nya rin na exclusive lang sa mga naninilbihan" Ito ang pinaka nagbago sa mga mata ko. Dahil dati maliliit lang na bahay ang gamit ng mga resident sa kalupaan ni daddy.

Berde ang mga damo sa kahabaan ng byahe at parang nakaka hiya pang tumapak dito sa pagkaka ayos ng mga gumawa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Berde ang mga damo sa kahabaan ng byahe at parang nakaka hiya pang tumapak dito sa pagkaka ayos ng mga gumawa. Dati pa mahilig na si daddy sa aesthetic at sa loob ng mga gate ng lugar na ito once na pumasok ang mga tao iniisip nila na isang malaking bayan ang lugar na ito.

Ang pagkaka tanda ko nasa 400,689 acres ang sukat ng buong lugar na ito. Kaya madalas akong maligaw sa kagubatan at napaka daling mag tago kapag ayaw ko ng mag pakita sa kanila, lalo na kapag may parties.

"Diyan po naka tira si sir Magnus" Natawa ako dahil sa laki ng lugar na puro karangyaan lang ang makikita, may bahay kubo si Magnus.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Alipin Series 1: Reyna ng Teleserye (wlw)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon